Kabanata 12: Pulang Mga Mata

3.5K 216 36
                                    

ZAHARA'S POV

Kinabukasan ay maaga kaming nagising upang magtungo sa bayan. Napagpasyahan ni Aleng Beth na bumili ng mga kakailanganin namin sa bahay sapagkat paubos na raw ang aming pagkain kung kaya't hindi na kami nag-atubili pang sumama ni Alice. Muntikan pa sanang hindi pumayag si Aleng Beth dahil delikado raw para sa kalagayan ko, ngunit hindi ako nagpapigil sa kaniya at nagpumilit pa rin na sumama kaya wala na siyang nagawa pa kung hindi ang mapabuntong-hininga at pumayag.

Habang naglalakad sa ilalim ng sikat ng araw ay hindi ko mapigilang mapakunot-noo nang muli na namang mapadako ang aking paningin kay Aleng Beth na nauunang maglakad sa amin ni Alice.

Nakasuot na naman ito ng balabal na siyang nagtatakip sa kabuuan ng kaniyang mukha dahilan upang tanging ang mga mata lamang niya ang makikita.

Hindi na ako nag-abala pang tanungin siya sapagkat alam kong hindi rin naman niya ako sasagutin.

"Hara, tungkol nga pala sa napag-usapan natin kagabi. Hindi ko ibig na paguluhin ang iyong isipan. Ang tanging hangad ko lamang ay ang iyong kaligtasan."

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin kay Alice nang bigkasin niya ang mga salitang iyon.

Dahil sa kaniyang pahayag ay muli na namang sumagi sa aking isipan ang pinag-usapan namin kagabi.

"Prinsesa?! Nahihibang kana ba Alice? Malabo ang iyong sinasabi!" Giit ko sa kaniyang ipinahayag.

"Ngunit Hara, maniwala ka sapagkat tanging ang nawawalang prinsesa lamang ang maaaring magtaglay ng kapangyarihang elemento ng hangin dahil nananalaytay na ito sa dugo ng kanilang lahi. Kaya nga ganun na lamang ang gulat naming lahat nang masaksihan namin ang iyong ginawa."

Napailing ako sa kaniyang isinalaysay.

"Imposible ang bagay na iyan Alice! Imposible dahil alam ko ang aking pinagmulan. Alam ko na sina Ama at Ina ang aking tunay na mga magulang at hindi ang Hari't Reyna ng Kahariang sinasabi mo." Pagsisinungaling ko, dahil alam ko sa puso ko na hindi sina Ama at Ina, ngunit iba ang idinidikta ng aking isipan. Ipinipilit ko pa rin sa aking sarili na sana sila nga ang aking mga magulang, na sana ay sila nalang.

Pero sarili ko lamang ang aking lolokohin kapag pinilit ko pa ang nais kong paniwalaan.

"Subalit pag-isipan mo din ito ng maigi Hara. Sabihin na lamang natin na hindi nga ikaw ang nawawalang prinsesa, ngunit ang ginoong nagtangkang pasabugin ang entablado sa gitna ng patimpalak ay tinatawag na Tenebrian, sila ay ang mga kalaban ng Zaheians, natin. Nasisiguro kong alam na ng kanilang Reyna ang ginawa mo kung gayung nanganganib ang iyong buhay." Napatahimik ako sa kaniyang sinabi.

"Tama si Alice, Hara." Naagaw ni Aleng Beth ang aking pansin.

"Sa mga sandaling ito'y maaaring tinutugis kana ng mga kalaban kung kaya't nakakasiguro akong nanganganib ang iyong buhay.
Tanging iisa lamang ang naiisip kong paraan upang masiguro natin ang iyong kaligtasan...at ito ay ang makapasok ka sa Akademiya."

"Subalit-"

"May sapat silang proteksyon para sa mga kabataang tulad ninyo Hara, kung hindi man papalaring makapasok sa paaralang iyon si Alice, ikaw ay pwedeng-pwede sapagkat ang guro at ang punongguro na mismo ang nagsabi sa iyo."

"Ngunit Aleng Beth, kagaya nga ng aking sinabi. Hindi ko gugustuhing pumasok sa Akademiyang iyon, kaya ko namang protektahan ang aking sarili kung iyon ang inyong ikinababahala, huwag ho kayong mag-alala." Buong loob na pasya ko.

"Hara, alam ko na sa puso mo'y may mga katanungan ka tungkol sa tunay mong pagkatao. Hindi mo ba ninanais na mabigyan ito ng mga kasagutan gayong maaaring ang Akademiya lamang ang susi upang masagot ang mga ito? Hindi mo ba nais na malaman kung saan ka talaga nagmula? Kung sino ba talaga ang tunay mong mga magulang, at higit sa lahat,"

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now