THIRD PERSON'S POV
Ang panginoon ng lupa, apoy, tubig at hangin.
Apat na magigiting at matitipunong mga nalalang ang ngayon ay nakatayo sa unahan ng buong sangkatauhan.
Kapwa sila nababalot ng mga ginintuang kasuotan at bawat isa sa kanila ay umaanhag sa liwanag na siyang sumisimbolo sa elementong kumikilanlan sa kanilang pagkakalinlan.
Ang panginoon ng lupa, si Arden.
Ang panginoon ng apoy, si Magnus.
Ang panginoon ng tubig, si Atticus.
At ang huli at ang higit na pinakamalakas sa kanilang apat, ang panginoon ng hangin.
Si Zephyrius.
Mararamdaman ang labis-labis na kapangyarihan sa enerhiyang lumalabas sa kanilang apat, ito'y hindi pangkaraniwan at hindi mapapantayan ninuman.
"Tapos na ang iyong kasamaan, Clantania. Tapos na. . ."
Sa hindi maipaliwanag na kaganapan ay biglang natahimik ang reyna ng mga kalaban. Tila'y wala ito sa diwa habang nakatitig sa apat na kalalakihang ngayon ay kapwa nakatitig din sa kaniya.
At habang nasa ganoong sitwasyon ay hindi maiwasang magtaka ng makakarami nang masaksihan nila ang wari ba'y pagdaan ng sakit at hinagpis sa itim na mga mata ni Clantania habang nakatitig sa mga ito.
Nabalik lamang ito sa kaniyang sarili nang umalingawngaw ang isang malakas at nakakapanindig-balahibong halakhak ng isang nilalang na siyang unti-unting lumalabas mula sa kadiliman.
"Isang napakahusay na eksena,"
Awtomatikong natuon sa dalagang may nakakakilabot na wangis ang atensyon ng lahat dahilan upang manlaki ang kanilang mga mata sa gulat. Hindi dahil sa wangis nito kung hindi dahil mismo sa kaniya, sapagkat ang dalagang iyon ay walang iba kung hindi si Zahara.
Si Zahara na walang malay at kasalukuyang nakalutang sa ere habang nasa likuran ni Seraphina.
"Bakit tila yata ay gulat na gulat kayong lahat?" isang mapaglarong ngisi ang bumalatay sa kaniyang itim na mga labi. Tumigil ito at saglit na napatawa. Hindi naglaon ay ikinumpas nito ang kaniyang kanang kamay at sa isang kisap-mata lamang ay naglaho na parang bula ang dalagang nasa likuran ni Seraphina bagay na nagpasinghap sa lahat.
At sa isang iglap, ang kaninang nakangisi't nang-uuyam nitong ngiti ay biglang napalis at napalitan nang pagkaseryoso na siyang ikinahakbang paatras ng halos lahat dahil sa takot na lumukob sa kanilang mga sistema laban sa kaniya.
"Ginagalit ninyo ako, labis-labis ninyo akong ginagalit." nagsimula itong humakbang pasulong sa apat na kalalakihan sa unahan ni Clantania at maging ni Seraphina.
"Masyado ninyo akong minaliit, masyado ninyo akong ipinagsawalang-bahala."
Animo'y sumasayaw ang kaniyang katawan na tila'y ahas kung gumalaw kasabay nang pagsigalawan ng maliliit na mga ahas sa kaniyang ulo kung saan naroroon ang mahaba't matatalas niyang mga sungay.
Tumitig ito sa gawi ng apat na panginoon at galit na umismid bago ibaling ang kaniyang paaningin kay Clantania at muling nagsalita.
"Kawawang Clantania," panimulang anas nito't nagpatuloy sa paglalakad.
"Walang kakampi, walang kaanib, walang kasama."
Sumilay ang nakakalokong ngisi sa kaniyang labi bago pasiring na tumingin kay Seraphina.
"Kayang-kaya kitang paslangin. . . iyon ay kung aking nanaisin."
Humalakhak ito at muling ibinalik ang atensyon sa apat na mga kalalakihang nananatiling nakatitig sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]
FantasySa mundo ng salamangka kung saan nababalutan ng mahika ay mayroong dalawang nahahating lupain. Ito ay ang Lupain ng Zahea at ang Lupain ng Tenebris. Ang lupain ng Zahea ay binubuo ng apat na Kaharian, ito ay ang Kaharian ng Terros, Kaharian ng Fyros...