Kabanata 19: Dormitoryo

2.9K 189 6
                                    

ZAHARA'S POV

Gulat akong napatitig sa kaniyang mga mata. Nagtataka sa kaniyang mga sinabi.

Ngunit muli akong nagitla nang hindi pa man din tuluyang napoproseso sa aking isipan ang kaniyang mga iminungkahi ay muli na naman siyang nagsalita kasabay ng paghawak niya sa aking braso.

"Hey come here! Pasok ka." Abot tenga ang ngiting sambit niya't bigla na lamang akong hinila papasok ng silid, dahil sa labis na pagkabigla'y hindi ko na nagawang pumalag pa at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na dinarag niya papaupo sa isang mahaba at malambot na upuan.

"Just wait here, ikukuha muna kita ng maiinom dahil alam kong magiging mahabang-mahaba ang magiging kwentuhan natin!" Masayang wika niya't dali-daling naglakad papunta sa isa pang silid na wari ko'y silid-kainan.

Naiwan akong mag-isa sa loob nitong silid-tanggapan kung kaya't kinuha ko ang pagkakataong iyon upang ikutin ang aking paningin sa aking kinaroroonan.

Napapaligiran ako ng nagmamarikitang kasangkapang pambahay at base sa mga kagamitang naririto'y mahahalatang babae ang naninirahan rito. Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking pagkakaupo habang nananatiling nasa kabuuan ng paligid ang aking busilig.

"Sadyang kakaiba, lubhang kahanga-hanga." Mahinang sambit ko sa aking sarili.

Nag-umpisa akong humakbang patungo sa isang sulok nitong silid kung saan nakadikit ang iba't ibang uri ng larawan at saka ito'y aking sinuri't kinilatis.

"Kaaya-ayang bagay."

Matapos ko iyong pakatitigan ay dumapo naman ang aking mga mata sa aking tabi, doon ko lamang napansin na may pinto roon. Ito'y kulay puti sanhi upang payapa kung pagmamasdan. Dala ng matinding kuryusidad ay unti-unti kong inangat ang aking kamay papunta sa hawakan nito't akmang bubuksan, ngunit daglian akong napahinto nang marinig ang papalapit na yabag ng mga paa papunta sa aking kinatatayuan.

"Nandyan ka lang pala!"

Mabilis akong napalingon sa nagsalita niyon at doon ko muling nasilayan ang babaeng ubod ng ingay.

"Oh! Kung nagtataka ka kung ano ang loob ng kwartong 'yan,"

Lumapit pa siya ng husto sa akin at hindi kalauna'y hinawakan ang pihitan ng pintuan dahilan upang bumungad sa akin ang loob niyon.

"Iyan ang kwarto namin na magiging kwarto mo na rin. Isn't it great?" Masayang bigkas niya.

Pinalandas ko ang aking mga mata sa hindi kalakihan ngunit hindi rin maipagkakailang hindi kaliitang silid. Nagawa kong makita ang tatlong magkakalayong kama't tatlong malalaking gabinete na sa tingin ko'y imbakan ng mga damit. Sa likuran nito'y naroroon ang nakabukas na malaking pintuan na gawa sa salamin at natatakpan ng kurtinang gawa sa mamahaling pabrika't hula ko'y ito ang terasa.

Sa kanang bahagi naman niyong silid ay matatagpuan ang isa pang pintuan na wari ko'y ang silid-palikuran.

"Sa gitnang kama ako, sa kanan naman ay may nagmamay-ari na din dyan, kaso nga lang wala pa siya dito, bukas pa siya babalik, so it means sa kaliwang bahagi ang magiging sa'yo. Is that okay?"

"H-Ha?"

"Good!"

Hindi pa ako nakakapagsalitang muli nang bigla na lamang niya ulit akong hinawakan sa aking braso at agarang hinila pabalik sa silid-tanggapan at pinaupo sa malambot na upuan.

"Here's your drink." Kinuha niya ang inumin na naroroon sa mesa't inabot sa akin. Dahan-dahan ko naman iyong kinuha sa kaniyang kamay at sumimsim doon.

"S-Salamat." Sambit ko bago inilapag muli ang baso sa ibabaw ng mesa.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now