Kabanata 33: Ang Unang Laban

2.5K 183 13
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ang lahat ng naroroon sa silid ay gulantang na napasigaw dahil sa kanilang nasaksihan. Nanlalaki ang kanilang mga mata na nagsitakbuhan patungo sa terasa't isa-isang dumungaw sa ibaba. Subalit ang tanging nakita lamang nila ay ang makapal na usok na wari'y nagmula sa lakas ng pagkakabagsak ng dalaga.

"Hara!" Malakas na sigaw ni Thalia, pilit na inaaninag ang kinaroroonan ng kaibigan.

"L-Look!"

Agad namang nabaling ang paningin ng lahat sa kumpol-kumpol na mga kalaban nang biglang itinuro ng lalaking nagngangalang Ryker ang hintuturo nito tungo sa direksyon nila.

Mula sa malayo ay kitang-kita nilang lahat ang napakaraming mga Tenebrians na siyang nagsisitakbuhan palusob sa mga mag-aaral. Nagpapalabas ang mga ito ng kaniya-kaniya nilang itim na mga salamangka at pinapatamaan ang lahat ng mga mag-aaral na siyang pilit silang pinipigilan.

"We have to help them!" Anas ni Thalia at tumingin sa mga kasamahan, dahil roon ay agad namang napatango ang binatang si Yzair.

"Alphas, go and help the other students. We'll take care of the Tenebrians " Puna nito sa grupo nina Thalia na daglian naman nilang sinagot sa pamamagitan ng pagtango at hindi na nagsayang pa ng oras at mabilis na nagsitakbuhan pababa ng gusali upang tulungan ang iba pang mga estudyante.

"All of you, alarm the Professors. Now!" Utos naman niya sa iba pa nilang mga kaklase na agarang nagsitanguan bago tuluyang lumisan.

"Tenebrians, what are they doing here this time?" Usal nito sa kaniyang isipan.

"Is it because of her? Is it because of Zahara?" Dugtong pa nito at pagkuway bumaling  sa dalawang kaibigan.

"Let's go-"

Hindi na niya natapos pa ang kaniyang sasabihin at dagliang napahinto nang mapansin niyang wala na ang isa nilang kasama. Kunot-noo itong napatingin sa kaibigan.

"Where is he?" Tukoy niya sa binatilyong kanina lamang ay kasa-kasama nila. Tumingin siya sa kanilang paligid ngunit kahit saan man niya ibaling ang kaniyang mga busilig ay hindi pa rin niya mahagilap ang binata.

"There," Wika naman ng kasama niyang si Levi at tumingin sa bandang ibaba.

"Fighting those Tenebrians." Dagdag pa nito na napapailing-iling na lamang sa kagagawan ng kaibigan.

***

Sa kabilang banda, sa kabilang panig ng Akademiya ay may isang estudyante ang halos matumba na mula sa matinding panghihina na kaniyang nadarama. Tatlong kalaban ang nakapalibot sa kaniya at anumang oras mula ngayon ay nakatitiyak na siya sa kaniyang sarili na dito na magwawakas ang kaniyang buhay.

Ilang saglit pa ang naglaon ay tuluyan na siyang napaluhod sa kaniyang paanan kasabay ng pagpikit niya ng kaniyang mga mata. Naramdaman niya ang pagkumawala ng itim na salamangka na siyang nagmumula sa mga kaaway sa kaniyang harapan at ang pagbulusok ng mga ito patungo sa kaniyang direksyon. Lihim na lamang siyang napaluha at hinintay ang nalalapit niyang kamatayan.

Bagamat lumipas pa ang ilang segundo ay hindi pa rin siya nakakaramdam ng paglapat ng kung anong salamangka sa kaniyang kabuuan, kung kaya't wala sa sariling pinakiramdaman niya ang kaniyang katawan.

Nang makasigurong buhay siya ay unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata at tumigil ito sa harap niya. Doon, kitang-kita mismo ng magkabila niyang busilig ang pagtigil ng mga atake ng mga kalaban sa harapan niya. Nakalutang ang mga ito at wari ba'y may kung anong pwersa ang pumipigil rito.

"Ako ang harapin ninyo."

Isang napakalamig na tinig ang kaniyang narinig na siyang nagmumula sa kaniyang likuran dahilan upang siyang matigilan. Dahan-dahan nita itong nilingon at doon niya tuluyang namataan ang isang dalagang may blangkong ekspresyon.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon