Kabanata 21: Unang Araw

2.7K 185 15
                                    

ZAHARA'S POV

Pagdating ng bukang-liwayway ay agad na akong bumangon mula sa aking pagkakahiga sa kama. Inilibot ko ang aking busilig sa silid na aking kinaroroonan ngunit bigong madapuan ng aking paningin ang aking kasama.

"Siguro'y nauna na siyang pumasok." Wika ko sa aking sarili at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

Hayaan na't mas mainam na ako'y maghanda na, unang araw ko pa naman ngayon at wala akong hangarin na magpuhuli sa gaganaping seremonya.

Napagdesisyunang ko na lamang na kumuha na ng tuwalya at damit na maaari kong suotin ngayong araw bago nagsimulang humakbang patungo sa pintuang wari ko'y ang silid-palikuran.

Subalit nang akmang bubuksan ko na ang pinto'y daglian itong bumukas at tumambad sa aking harap ang aking kasama.

"Oh Hara, gising kana pala." Sambit niya't ako'y sinuri.

"Magandang umaga, maliligo kana ba?" Dagdag pa niya na siyang aking ikinatango.

"O-Oo Thalia, magandang umaga din sa iyo." Tugon ko sa kaniyang pagbati't siya'y pinasadahan ng tingin kagaya ng kaniyang ginawa sa akin. Doon ko tuluyang napagmasdan ang kaniyang kabuuan.

Siya'y nakasuot ng uniporme ng paaralan. Kulay puti ang kaniyang pang-itaas na siyang umaabot sa kaniyang palapulsuhan at kulay itim naman ang tsaleko at kurbata nito na siyang bumagay sa kulay itim niyang buhok na umaabot sa kaniyang balikat.

Subalit nang sandaling dumapo ang aking paningin sa kaniyang bandang ibaba ay daglian akong natigilan.

Kulay itim ang suot niyang palda't may halong kulay puti sa bandang ibaba nito, ngunit ang hindi ko maunawaan ay ang sukat nito. Lubha itong napakaikli para sa isang estudyante lalo na't kami ay binibini.

"T-Thalia, sadyang ganiyan ba ang uniporme ng mga kababaihan rito sa Akademiya? Hindi ba't masyado naman atang maiksi ang pang-ibaba ninyong uniporme?" Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na magtanong.

Batid kong napagmasdan ko na ang uniporme ng mga mag-aaral rito kahapon nang kami ay makapasok rito subalit hindi ko na nagawang mapagtuunan pa ng pansin ang bagay na iyon kung kaya't ganito na lamang ang aking naging reaksyon.

Nangunot naman ang aking noo nang siya'y biglang tumawa.

"Oo Hara, ganito ang aming uniporme, at ang magiging uniporme mo na rin." Sagot niya dahilan upang manlaki ang aking mga mata.

"Ha? Seryoso ka ba sa bagay na iyan, Thalia?" Hindi makapaniwalang tanong ko na ikinatango lamang niya.

"Oo, baka mamaya o bukas ay bigyan kana."

"Subalit hindi ba tayo babastusin ng mga ginoo rito? Alam kong ang ilan rito'y maginoo ngunit ako'y nakatitiyak na mayroong maginoo ngunit bastos ang naririto sa Akademiyang ito." Nag-aalalang pahayag ko na daglian niyang ikinailing.

"Easy Hara, hindi 'yan magagawa ng mga lalaki dito dahil may mga estudyanteng nangangalaga sa kaayusan ng paaralang ito." Paninigurado niya sa akin na siyang ikinatango ko.

"Sige na, maligo ka na para makakain na tayo agad. Inanunsyo na sa buong Akademiya na magtungo na ang lahat sa gymnasium kaya kailangan na nating magmadali." Saad niya na agad kong ikinatango bago tuluyang pumasok sa silid-palikuran na kaniyang pinanggalingan.

Nang makapasok sa loob ay bumungad sa akin ang may kalawakang espasyo ng silid. Sadyang napakagarang pagmasdan at mapapahanga ka talaga sa linis ng kabuuan.

Ibang-iba sa bayang aming pinagmulan.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agaran ng nagsimulang maligo. Ilang minuto lamang ang aking iginugol sa paglilinis ng aking katawan bago ako tuluyang natapos. Agad kong sinuot ang damit na aking dala't mabilis na nagtungo palabas ng pintuan.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now