Kabanata 95: Ang Unang Paglusob

595 44 5
                                    

THIRD PERSON'S POV

Isang napakalakas na sigaw ang pinakawalan ng dalagang si Zahara nang sandaling tumama ang kaniyang likuran sa basa at maputik na damuhan.

Napapadaing na napapikit ito nang maramdaman niya ang nanunuot na kirot na bumalatay sa kaniyang katawan. Ilang saglit pa'y nagsimula siyang gumalaw, gumapang ito at akmang tatayo na nang bigla na lamang siyang daganan ni Amber at naghuhurumintado siyang sinakal dahilan upang maipit niya ang kaniyang paghinga.

"Die you monster! Die!" Galit na galit nitong sigaw at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal sa kaniya. Hindi naglaon ay naramdaman ng dalaga ang unti-unting panlalamig ng mga kamay ng babaeng nakapatong sa kaniya at doon niya tuluyang namataan ang pagpapalabas nito ng yelo sa kaniyang mga kamay dahilan upang dahan-dahan nitong sakupin ang kaniyang lalamunan.

"A-Amber..." Nahihirapan nitong usal sa pangalan ng babae, ngunit kahit na anong sabihin niya ay tila ba'y wala na itong naririnig. Ang nais lamang nito ay saktan siya.

"I'm going to kill you! Die now! Die!" Hindi nito alintana ang malakas na pagbuhos ng ulan na siyang tumatama sa kanilang dalawa. Nag-aalimpuyo ang mga mata nitong diniinan pa ang pagkakasakal kay Zahara.

Dahil sa higpit nang pagkakasakal sa kaniya'y halos manlabo na ang paningin niya na dinagdagan pa ng bawat pagpatak ng ulan. Malapit na siyang mawalan ng malay kung kaya't hindi niya man nais ay wala na siyang pagpipilian pa. Gamit ang kaniyang kamay ay marahas niyang iwinasiwas ang kaniyang palad at sa isang iglap lamang ay isang napakamalakas na ihip ng hangin ang siyang nagpahagis palayo sa dalagang nasa ibabaw niya na naging sanhi upang agaran niyang mahabol ang kaniyang hininga.

Dahan-dahan siyang tumayo at pilit na suminghap ng hangin upang muling manumbalik ang kaniyang lakas at kamalayan.

Subalit hindi pa man din nagtatagal ay isang matalim na sandata na gawa sa yelo na ang siyang mabilis na bumulusok sa kaniya na agad naman niyang naiwasan, bagamat hindi nakatakas ang kaniyang kaliwang braso na nagresulta upang siya'y madaplisan at naging dahilan upang dumaloy mula roon ang masagana niyang dugo na unti-unting nawawala dahil sa pagtama ng ulan.

"I don't know how you manage to do things beyond your power..."

Nang ibaling niya sa pinagmulan ng sandatang iyon ang kaniyang paningin ay doon niya nasilayan si Amber na ngayon ay may hawak-hawak ng punyal na gawa sa yelo.

"But I will make sure that it'll end there. I will make sure that you will die right here."

Nang matapos niyang sambitin ang mga salitang iyon ay walang pasabi-sabi nitong pinakawalan ang hawak na punyal patungo sa direksyon ni Zahara na matulin naman nitong hinarangan gamit ang kaniyang kapangyarihan na hangin.

"P-Pakiusap Amber, tigilan mo na ito! Nadala lamang ako ng aking emosyon-"

"Nonsense!"

Hindi na siya pinatapos pa ng kaharap at muling ipinagpatuloy ang pagbato nito sa kaniya ng sunod-sunod na atake at tanging pag-iwas at pagharang lamang ang kaniyang ginagawa sa halip na gantihan ito.

Nanatili lamang sila sa ganoong sitwasyon.

Ilang sandali pa ang lumipas ay agaran na lamang silang napahinto nang marinig nila ang papalapit na mga sigawan ng kanilang mga kaibigan papunta sa kanilang kinaroroonan.

"Zahara! Amber!"

Agad na napatingin si Zahara sa mga ito at dahil doon ay napangisi ang kaniyang katunggali, kinuha nito ang pagkakataon na wala sa kaniya ang atensyon ng dalaga. Mabilis siyang bumuo ng isang napakahaba at napakatulis na sibat at walang pagdadalawang-isip itong inihagis sa gawi ng dalaga na agarang ikinagitla't ikinalaki ng mga mata ng lahat.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now