Kabanata 74: Ang Alamat

815 50 6
                                    

ZAHARA'S POV

Hindi ko man nagawang matatap ng lubusan ang huling dalawang salitang binitawan ni Kuya Caleb ay natatarok ko naman na mabuti ang kahulugan ng mga ito.

Nang tuluyan ng maglaho sa aming paningin ang likuran ni Kuya ay nakangiti akong humarap kay Alice at puno ng kumpyansa sa sarilling nagsalita. 

"Nakita mo na, Alice? Hindi magagawa ng aking Kuya Caleb ang iyong mga sinabi laban sa kaniya. Lubhang napakabuti niya upang gawin ang iyong mga iminungkahi."

Matulin namang bumalatay ang pagkabahala sa kaniyang mukha.

"Ngunit Hara-"

"Tiyak kong guni-guni mo lamang ang mga bagay na iyong nakita't naramdaman, Alice. Mga agam-agam na siyang nagdulot sa iyo ng labis na pagkabahala. Marahil ay matindi ang naging epekto sa iyo ng nangyaring kaguluhan sa loob ng aming kaharian kung kaya't ikaw ay nagkakaganyan."

"Subalit alam ko kung ano ang naramdaman ko, Hara. Batid kong siya iyon, m-maaaring isa siya sa kanila." Mabilis at may takot sa tinig niyang tugon.

Agad naman akong lumapit sa kaniya at siya'y hinawakan sa kaniyang kaliwang balikat at bahagyang nagpakawala ng isang buntong-hininga.

"Kinakailangan mo lamang ng sapat na pahinga, Alice. Huwag kang mag-alala sapagkat ako'y naririto na, hindi mo na kailangan pang harapin ang iyong mga pinagdadaanang problema ng nag-iisa." Malamyos ang tinig kong sambit na naging sanhi upang siya'y mapatahimik.

Ilang saglit pa ang naglaon ay isang boses ang nakapagpatigil sa aming pareho.

"Hara? Alice? May problema ba?"

Napailing ako sa isinalaysay ni Mildred at bago pa man din ako tuluyang makapagsalita ay naunahan na ako ng kung sinuman.

"Hara!"

Naramdaman ko ang mahigpit at mainit na yakap ng aking kapatid na siyang naglalaman ng labis-labis na pagmamahal na naging sanhi upang ako'y malawak na napangiti't agarang ginantihan ang ginawa niyang pagyakap.

"Vishna," Sambit ko sa kaniyang pangalan bago tuluyang sambitin sa harap ng lahat ang amiing tunay na ugnayan.

"Aking kapatid."

Sari-saring reakyon mula sa aming mga kasamahan ang aking nasilayan. Lahat sila'y lubhang naguluhan sa aking isinalaysay. Maging ang aking kapatid na si Vishna ay makikitaan rin ng labis na  pagkabigla na wari ba'y hindi inaasahan ang aking ginawa.

"K-Kapatid? A-Ano ang ibig mong sabihin, Hara?" Nagugulumihanang tanong ni Thalia na siyang tinugunan ko lamang ng isang maikling ngiti bago muling harapin ang aking kapatid.

"Sa tingin ko'y wala ng rason pa upang ilihim sa kanila ang ating ugnayan, Vishna. Batid na ng lahat na ikaw ang totoong anak ni Ama at Ina. Wala tayong ginagawang masama at higit sa lahat ay walang masama kung sasabihin natin sa kanilang lahat ang katotohanan, ang katotohanang magkapatid tayong dalawa."

Mula sa pagkabila'y unti-unting pumaskil sa kaniyang mukha ang pagkatuwa mula sa aking mga isinatinig.

"What are you talking about, Hara? Why are you calling Vishna as your sister? W-What are you trying to say?" Hindi agad ako nakapagsalita sa sunod-sunod na mga katanungang ibinato sa akin ng aming mga kaibigan. Mahigit ilang segundo pa ang dumaan nang ako'y tuluyang makahanap ng pagkakataon upang ikwento sa kanilang lahat ang katotohanan sa pagkatao naming dalawa ni Vishna.

Ibinahagi ko sa kanilang lahat kung paano kami naging magkapatid. Simula ng kung paano ako natagpuan sa kagubatan nina Amang Victor at Inang Midea na siyang tunay na Ama't Ina ni Vishna maging ang kung paanong nawalay si Vishna sa buhay ni Ama't Ina at kung paano siya napadpad at naging anak ng makapangyarihang heneral na si Heneral Aegeus.

Isinalaysay ko sa kanila ang lahat lahat, walang labis, walang kulang. Maging ang katotohanang ako'y nagmula sa bundok Culumos na tanging ako, si Alice, si Aleng Beth, si Cedric at si Vishna lamang ang nakakaalam.

Pagkatapos kong sabihin sa kanilang lahat ang aming nakaraan ay naiwan silang tulala't hindi makapaniwala. Tila ba'y isang hindi kapanipaniwalang kasaysayan ang aking inilahad sa kanila na naging sanhi upang mga labi nila'y mapaawang.

"Nagbibiro ka lang, tama?" Maya-maya pa'y tanong ni Elliot nang makabawi mula sa aking mga sinabi.

Mabilis naman akong napailing sa kaniyang gawi.

"Pawang katotohanan ang lahat ng aking mga isiniwalat sa inyo." Seryosong pahayag ko na agad na sinigundahan ni Vishna.

"Nagsasabi ng totoo si Hara, ang lahat ng mga sinabi niya ay totoo. Ang tunay kong mga magulang ang siyang kumopkop sa kaniya magmula nu'ng siya ay sanggol pa." Malamig subalit seryoso nitong tugon.

"Kung gano'n ay hindi talaga kayo totoong magkapatid?" Sa pagkakataong ito naman ay si Mercedes naman ang siyang nagtanong na daglian kong ikinatango.

"Tama ka, Mercedes. Subalit hindi man kami tunay na magkadugo ay kapatid pa rin ang tingin at turing ko kay Vishna at batid kong ganoon rin siya sa akin, at iyon lamang ang mahalaga."

Lahat sila ay natahimik. Walang sinuman ang nakapagsalita.

Ilang segundo kaming binalot ng matinding katahimikan hanggang sa ako na mismo ang nagpasyang basagin ang katahimikang iyon.

"Sinasabi ko sa inyong lahat ito sapagkat wala ng dahilan pa upang itago pa namin ang bagay na ito sa inyo o sa kahit na sino mang estudyante sa buong Akademiya sapagkat karapatan ninyong malaman ang totoo lalo na't kaibigan kayo ni Vishna, a-at kaibigan na rin ang turing ko sa inyo." saglit akong huminto upang sila'y titigan isa-isa at kilatisin ang mga reaksyon nila.

"Noong una'y inaamin ko na natatakot akong ipaalam sa inyo ang ugnayan naming dalawa ni Vishna at ganoon rin siya, natatakot ako na baka sa oras na malaman ninyong sina Amang Victor at Inang Midea ang nagpalaki sa akin at ang katotohanang nagmula ako sa bundok Culumos ay pagdududahan ninyo ang aking pagkatao, gayundin sa katauhan ng aking kapatid na si Vishna. Subalit napagbulay-bulay kong wala akong dapat na ikatakot sapagkat batid ko sa aking sarili na wala akong ginagawang masama, na wala kaming ginagawang masama. Kung kaya't sana ay huwag ninyong mamasamain ang aking mga ipinahayag sapagkat ang tanging hangad ko lamang ay ang makilala pa ninyo kami ng husto't lubusan."

"H-Hara maiintindihan namin, naiintindihan namin. Hindi kami mapanghusga kung kaya-"

Bago pa man din tuluyang matapos ni Thalia ang kaniyang sasabihin ay naunahan ko na siya.

"Batid ko, batid ko kung kaya't naririto ako ngayon sa inyong harapan at sinasabi ang lahat ng ito sapagkat alam kong hindi ninyo ako huhusgahan. Na hindi ninyo kami huhusgahan."

Matapos niyon ay muli na naman silang natahimik. Hindi matarok kung ano ang marapat na gawin o sabihin.

Datapwat ilang minuto lamang ang nakakalipas ay natuon sa isang panauhin ang aking paningin.

"H-Hara, kung iyong mararapatin. May nais lamang sana akong itanong sa iyo kung iyon ay maaari."

Dahan-dahan akong napatingin sa direksyon ng pinagmulan ng mahina't kagaya ng dati ay utal-utal ngunit may pag-iingat sa tinig na iyon at doon ko tuluyang nasilayan ang kabuuan ni Matt.

"Ano iyon, Matt?" Tanong ko sa kaniya na siyang natitiyak kong nakaagaw rin maging sa atensyon ng iba pa.

"Hindi ba..." Panandalian itong napahinto't napagitla na wari ba'y napapaisip.

"H-Hara, h-hindi ba't ang sabi mo'y sa bundok Culumos ka lumaki at nagmula?"

Nagsasapantaha man ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang dahan-dahang mapatango sa kaniyang mga sinabi.
 
"K-Kung gano'n ay... k-kung gano'n ay posibleng narinig mo na ang tungkol sa nasabing alamat?"

Dahil sa kaniyang mga binitawang salita ay unti-unting nangunot ang aking noo kasabay ng pagsidatalan ng laksa-laksang katanungan sa aking isipan.

"A-Anong alamat?"

"Ang tungkol sa alamat na bumagsak sa bundok Culumos ilang taon na ang nakakalipas."

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now