Kabanata 129: Repleksyon ng Kasamaan

404 29 5
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Itigil mo na ito! Tama na! Lubayan mo na ako! P-Pakiusap!"

Agad na napahinto mula sa paghahakbang ang dalagang si Thalia nang sandaling marinig niya ang pamilyar na tinig ng kaibigang si Zahara.

"Hindi pa ba sapat ang mga nangyayari sa akin?! B-Bakit kailangang ako pa?! H-Hindi ako ang tunay na prinsesa!" agad na nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa mga salitang kaniyang narinig.

"Hindi ako ang prinsesa kung kaya't bakit ako pa ang napili mong paglaruan?! Wala akong kapangyarihan kagaya ng iba pang nilalang kung kaya't b-bakit ako pa. . . bakit ako?!"

Sinundan niya ang pinagmumulan ng tinig nito na siyang nanggagaling sa loob ng silid palikuran.

"Hara?" tawag niya sa pangalan nito subalit hindi siya nakatanggap ng tugon at bagkus ay isang napakalakas na sigaw ang kaniyang narinig.

"Tama na!"

Mas lalo niyang binilisan ang kaniyang paghakbang patungo sa nasabing silid. Subalit ilang dipa na lamang ang layo niya mula roon ay agaran siyang napatigil nang bigla siyang makarinig ng isa pang tinig.

Isang tinig na siyang lubusang nagpatindig sa kaniyang mga balahibo, isang tinig na siyang naghatid sa kaniya nang labis-labis na pagkagimbal at takot.

Wari ba'y isa itong tinig na hinugot mula sa kailalimlaliman ng lupa.

Tinig ng isang halimaw.

Umalingawngaw sa malawak na pasilyo ang isang nakakakilabot at nakakahilakbot na halakhak ng halimaw.

"HAHAHA!"

Halos mapigil ni Thalia ang kaniyang paghinga. Labis-labis na napapatulala sa mga nangyayari.

"Hindi kita pinili. Hindi ako ang may kanaisang magpalabas sa aking pagkatao. Hindi ako kung hindi ikaw!" mahaba't nakakapanginig kalamnan na sambit nito na siyang mas lalong ikinatakot ng huli.

"A-Ano ang ibig mong sabihin? H-Hindi ko maintindihan, h-hindi kita maintindihan!"

Sa ikalawang pagkakataon ay muling humalakhak ang halimaw.

"Hara, Hara, Hara. . . nakalimutan mo na ba?"

"A-Ano ang iyong mga sinasabi? Hindi ko maintindihan! Wala akong maintindihan!"

Dumagundong ang tila'y mapaglarong tinig ng huli't wari ito'y nag-iba.

"Isisilang ang makapangyarihang nilalang dahil sa pagkamuhi at pighati. Lalabas ang halimaw dahil sa matinding poot at matinding galit. Matutupad ang nakatakdang mangyari, anak ng kadilima'y magigising at siya'y maghahasik ng lagim. Walang sinuman ang makakahadlang, walang sinuman ang makakapigil!"

Animo'y nagimbal ang pagkatao ng babae dahil sa mga pamilyar na katagang kaniyang narinig.

"A-Ang pangitain ng l-lalaki, ang kaniyang pangitain!"

"HAHAHA!"

Isa na namang panibagong halakhak ang pumailanlang sa malawak na pasilyo.

"Hindi kita pinili. Ikaw, ikaw ang siyang may kanaisan na magpalabas sa akin mula sa iyong katauhan, gamit ang iyong pagkakakilanlan."

"H-Hindi! Hindi totoo iyan!"

"Hindi kita sinasapian. . . hindi ko ginagamit ang iyong katawan."

"Tama na!"

"Hindi ko na kailangan pang gawin ang lahat ng iyon sapagkat ito, ito na ang tunay mong pagkatao."

"Ito ang tunay mong katauhan, ito ang tunay mong pagkakakilanlan."

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindOnde histórias criam vida. Descubra agora