Kabanata 34: Kairus Dashvil Oceano

2.5K 173 15
                                    

THIRD PERSON'S POV

Ang lahat ay wala sa sariling napatigil sa kani-kanilang kinatatayuan, maging ang mga guro ay dagliang napatigil mula sa kanilang paghakbang. Ang mga kalaban ay agarang napasinghap at agad na napaatras.

Umihip ang napakalakas na hangin na siyang naging dahilan upang magsiliparan ang mga tuyong dahon sa buong kapaligiran. Nagsimulang magsigalawan ang mga talahib at ang damuhan. Pati ang mga punongkahoy ay nag-umpisang magsiugoyan na wari ba'y nagsasayawan.

Ngunit ang sunod na nangyari ang siyang mas higit na ikinagulantang ng lahat.

Dahan-dahang lumutang sa ere ang dalagang si Zahara. Ikinumpas nito ang kaniyang kanang kamay at hindi nagtagal ay unti-unting namuo sa palad nito ang isang espada, isang espadang gawa sa hangin.

Kitang-kita mismo ng lahat kung paanong bumalatay ang nakakatakot na ngisi sa mapupulang labi nito bagay na ikinagitla nila.

"Ngayon, ibibigay ko ang nais ninyong laban." Sambit nito sa malamig na tinig at walang pag-aalinlangang bumaba mula sa kaniyang pagkakalutang at mabilis na tumakbo patungo sa mga kalaban.

Tila ay sumabay ang kaniyang paggalaw sa bawat paghampas ng hangin.

Isa-isa namang lumusob sa kaniya ang mga kalaban subalit madali lamang niya itong naiiwasan.

Dahil sa pangyayaring iyon ay nabalik naman sa katinuan ang lahat ng naroroon at daglian siyang pinuntahan upang siya ay tulungan.

"Binibini!"

Mabilis na lumapit sa kaniya ang binatang si Levi at pumunta sa kaniyang harapan na wari ba'y siya ay pinoprotektahan.

"Hayaan mong ako ang lumaban para sa'yo. Ngayon na nagbalik kana ay hindi na maaari pang malagay muli sa panganib ang iyong buhay." Usal nito sa malamyos na tinig bagay na ikinatahimik ng dalaga. Ngunit hindi pa man din sila nagtatagal sa ganoong sitwasyon ay isang pabulusok na pana na ang ngayon ay patungo sa kanilang direksyon. Mabuti na lamang at agad itong namataan ng lalaki kung kaya't mabilis niyang iwinasiwas ang kaniyang kamay dahilan upang magsilabasan ang mga ugat na siyang nagmumula sa ilalim ng lupa. Agad niya itong kinontrol at ginamit upang magsilbing kalasag nila.

Matapos niyon ay daglian niyang binalingan ng tingin ang kalabang may kagagawan niyon at mabilis na ipinulupot sa katawan nito ang ugat na tila'y nagbalat-kayo sa ahas.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya sa dalagang si Zahara. Mariin niya itong tinitigan sa kaniyang mga mata, subalit agad rin siyang napaiwas ng tingin nang makaramdam ng kakaiba.

Humakbang naman ng tatlong beses ang dalaga at pagkuwa'y nagsalita.

"Huwag mo akong alalahanin, ako ang kanilang pakay kung kaya't laban ko ito."

Huli na nang mapagtanto ng binata ang plano nito. Nakita na lamang niya ang pagtakbo nito papalayo't ang pagtungo nito sa iilang batalyon ng mga kalaban. Matulin nitong iniangat ang hawak na espada at walang pagdadalawang-isip na itinarak sa bawat Tenebrians na kaniyang nakakasalamuha.

Nang inilibot ng binata ang kaniyang paningin sa kabuuan ng paligid ay wala siyang ibang nakikita kung hindi ang labanan ng dalawang panig. Pawang mga mahika't salamangkang nagsisiliparan sa itaas at nagbabatuhan ng atake ang kaniyang nakikita.

At nang sandaling ibinalik niya kay Zahara ang kaniyang mga busilig ay napamaang na lamang siya sa kaniyang nakita.

Kitang-kita mismo ng dalawa niyang mga mata kung paano nito iniwasiwas ang sandata sa ulo ng tatlong mga kalaban at kung paano ito magsiputulan na naging sanhi para magsitalsikan sa mukha nito ang napakaraming dugo na agaran nitong ikinahinto.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now