Kabanata 28: Unang Away

2.5K 202 21
                                    

ZAHARA'S POV

Agad na namutawi sa aking sistema ang matinding galit. Mula sa aking kinaroroonan ay kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paanong umiyak si Alice sa gitna ng lahat. Basang-basa ang kaniyang kabuuan na tila ay binuhusan ng kung anong inumin.

Mabilis kong naikuyom ang aking mga palad sa tanawing aking nakikita.

Kahit ni isa ay wala man lang ang nagtangkang tumulong sa kaniya.

Dahil roon ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na tahakin ang distansya sa pagitan naming dalawa. Malakas kong tinulak ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa aking dinaraanan dahilan upang sila'y magsihawian at ako'y mabigyan ng daan.

"Alice!" Dumagundong ang aking tinig sa apat na sulok ng silid. Bahagya ring tumahimik ang paligid na tila ba'y may dumaan na kung ano sa harap ng mga taong naririto. Subalit hindi ko na sila pinag-aksayahan pa ng oras at mabilis na lumapit sa aking kaibigan na nananatiling nakaluhod at humahagulgol sa harap ng babaeng may pasimuno sa lahat ng ito.

"Alice, tumayo ka riyan." Mariin ko siyang hinawakan sa kaniyang magkabilang balikat at inakay patayo ngunit tanging pag-iling lamang ang kaniyang ginawa.

"H-Hara, h-hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang mabangga siya, a-aksidente lamang ang nangyari, H-Hara." Mahihimigan ng labis na pagkatakot ang nanginginig niyang boses nang sambitin niya ang mga salitang iyon na siyang mas nagpaiglab ng galit sa aking kalooban.

"Alam ko, Alice. Kaya tumayo kana riyan, huwag na huwag kang luluhod sa mga taong ito. Hindi sila karapat-dapat na luhuran, Alice." Giit ko't muli siyang inakay subalit muli lamang siyang pumiglas.

"H-Hindi Hara, k-kasalanan ko naman eh. K-Kasalanan ko-"

"Alice!"

Nagitla siya sa ginawa kong pagsigaw. Dahil roon ay hindi na siya muling nagsalita pa't sa halip ay tahimik na umiyak na lamang. Mabilis ko naman siyang niyakap sa kaniyang likuran at kinuha ang pagkakataong iyon upang siya'y patayuin.

"Tahan na Alice, tahan na."

Hinagod ko ang kaniyang likuran upang siya'y pakalmahin. Nang ilang saglit na ang lumipas ay humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at siya'y tinitigan sa kaniyang mga mata.

"Alice, makinig ka sa akin. Huwag na huwag mong hahayaang ganituhin ka ng mga nilalang na ito, naiintindihan mo? Hindi sila ang karapat-dapat mong luhuran lalo na't wala kang kasalanan." Wika ko sa kaniya ng may bahid na pag-aalala. Dahan-dahan naman siyang tumango bilang pagtugon sa aking mga sinabi.

"T-Tara na Hara, u-umalis na lamang tayo rito." Saad niya't nagsimulang humakbang habang hawak-hawak ang aking kamay.

"Subalit Alice, marapat niyang pagbayaran ang ginawa niya sa iyo! Hindi iyon makatarungan!" Tutol ko sa kaniyang sinabi, mabilis naman siyang huminto't ako'y kaniyang nilingon. Marahan siyang umiling na animo'y pinipigilan ako sa binabalak kong gawin.

"P-Pakiusap Hara, huwag na."

May pagmamakaawa sa tinig niya dahilan upang mawalan ako ng pagpipilian. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago sumang-ayon sa kaniya.

"Kung iyan ang iyong nais, Alice." Napipilitang saad ko sa kaniya.

"Halika na."

Nilingon ko pa ang kinatatayuan ni Maddison kasama ang mga kaibigan niya at maging ang iba pang mga estudyanteng naroroon at matalim na tinitigan.

Huwag kayong magpakampante sapagkat hinding-hindi ko mapapalampas ang ginawa niyong ito. Lalong-lalo kana Maddison.

Tinalikuran ko na sila't ibinaling na lamang ang aking atensyon sa aking kasama at nagsimula ng maglakad paalis roon.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang