Kabanata 84: Halik ng Pag-Ibig

811 46 4
                                    

THIRD PERSON'S POV

Hindi makapaniwala ang mga matang napatitig sa binata ang dalagang si Zahara. Hindi nito matukoy ang totoo niyang nararamdaman higgil sa mga sinabi at sa mga itinuran ng lalaki sa kaniyang harapan, ngunit iisang bagay lamang ang kaniyang nasisiguro.

At ito ay tinatapakan ang kaniyang pagkatao.

Agad na nakaramdam ng inis si Zahara nang siya'y makabawi mula sa mga isinatinig ni Kairus na siyang nanatiling nakapako ang tingin sa kaniya. Tila'y binabastos nito ang kaniyang pagkababae. Pakiramdam niya ay hindi siya nito nirerespeto. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan lamang siya nito.

"Itigil mo na ang kalapastangang ito, ngayon din." Magkasalubong ang kilay na saad niya't mahihimigan ng matinding pagkainis ang tinig kasabay ng marahas na pagbawi niya sa kamay nito. Dahil sa kaniyang mga iminungkahi ay dumaan sa bughaw na mga mata ng binatilyo ang matinding katanungan na wari ay nabigla sa iginawad sa kaniya na mga salita.

"Hindi na ako natutuwa sa iyong ginagawa." Dagdag pa ni Zahara na siyang ikinapalis ng ngiti sa mapupula nitong mga labi.

"Hindi isang bagay o gamit ang aking damdamin na maaari mong paglaruan. Kaya kung maaari lamang ay itigil mo na kung ano man ang larong ginagawa mo sapagkat ako lamang ang siyang naguguluhan at hindi ikaw." Pagtatapos nito sa kaniyang pagsasalaysay at hindi na hinintay pang makapagsalitang muli ang huli't walang-pakundawang tumalikod at akmang maglalakad na palayo nang isang kamay ang siyang biglang humawak sa kaniyang braso dahilan upang ito'y mapahinto.

"Z-Zahara." Mahinahong bigkas nito sa pangalan ng dalaga ngunit hindi iyon naging sapat upang mawala ang labis na inis sa sistema ng dalaga.

"Pakiusap." Napapapikit na anas nito't naaasar na tinitigan sa mga busilig ang huli.

"Pakiusap, Kairus. Ako na mismo ang nakikiusap, tumigil ka na sapagkat ginugulo mo lamang ang aking isipan." Seryosong sambit nito sa kaniya na siyang ikinatigil nito.

Matapos ring sambitin ng dalagang si Zahara ang mga katagang iyon ay walang pag-aalinlangan siyang tumalikod mula sa binatang si Kairus at agad na nagmartsa paalis sa lugar na iyon ng walang pasabi't iniwan ang lalaki na nag-iisa.

Datapwat ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay napasigaw na lamang bigla si Zahara nang matagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili na buhat-buhat ni Kairus at magkasalubong na magkasalubong ang magkabilang kilat na animo'y pinagsakluban ng langit at ng lupa.

"Kairus! Bitiwan mo ako! Ibaba mo ako! Saan mo ba ako dadalhin?! Kairus! Ano ba?!" Hiyaw nito't pilit na pumapalag mula sa pagkakabuhat sa kaniya ng binata na wari ba'y kapwa silang bagong kasal na naging sanhi upang sila'y pagtinginan ng mga estudyanteng naroroon.

"Kairus! Bitiwan mo ako kung hindi mo nais na ikaw ay aking isuplong sa mga nakatataas!" Patuloy na sigaw nito subalit tila'y bingi ang kaniyang kausap at hindi siya naririnig kung kaya't wala siyang ibang nagawa kung hindi ang ibaling ang kaniyang mga mata patungo sa mga mag-aaral na kasalukuyang nakatingin sa kanila.

"Saklolo! Tulong! Tulungan ninyo ako!" Paulit-ulit nitong sigaw bagamat walang sinuman ang nagtangkang lapitan siya dahil sa sama ng titig ng lalaking may buhat sa kaniya na siyang naging hadlang upang siya'y tulungan ng kahit na sinuman.

Ilang saglit pa ang lumipas at namalayan na lamang ni Zahara ang paglabas nila sa tarangkahan ng Akademiya.

"Kairus! Saan ba tayo pupunta? Magtatakip-silim na! Ibaba mo ako!"

"I will only let you go if you promise not to walk away from me." Seryosong wika nito na siyang ikinasinghal ng babae.

"Oo na, hindi ako aalis kung kaya't ibaba mo na ako." Tugon nito na siyang muling nagpasilay ng munting ngiti sa labi ng lalaki. Hindi kalaunan ay dahan-dahan nitong ibinaba mula sa kaniyang pagkakabuhat si Zahara at pagkuwa'y pinagmasdan ang nakabusangot nitong mukha.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now