Kabanata 149: Tibok ng Puso

208 24 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Tila'y agarang nanghina ang mga tuhod ng dalaga kasabay nang dagliang paninikip ng kaniyang dibdib.

Hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga nalaman at kasalukuyang nasasaksihan. Nananatili pa ring nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa repleksyon ni Clantania, sa imahe ng kaniyang inang si Seraphina.

"Ngayon, masisisi mo ba ako kung bakit ganito na lamang ang galit na nadarama ko para sa kanila? Masisisi mo ba ako kung bakit ako nagkakaganito? Kung tutuusin, ang adhikain kong sakupin ang lupaing Zahea ay hindi naman talaga marapat, sapagkat bakit ko sasakupin ang isang bagay na siyang tunay namang akin? Ako at tanging ako ang naglikha ng sansinukob na ito, ako ang tunay na nagmamay-ari ng lahat ng ito. Kaya't anong karapatan nila na ako'y pigilan kung babawiin ko kung ano namang nararapat na sa akin? A-Anong karapatan nilang magalit kung bilang paghihiganti sa anak kong pinaslang nila'y babawiin ko kung ano ang siyang nararapat ay sa akin at sa aking supling? Wala, Zahara. Wala silang karapatan, wala!"

At sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang napabagsak ang dalaga. Lupaypay ang mga balikat itong napaupo sa malamig na sahig ng bulwagang iyon. Hindi na niya batid kung papaano niya tatanggapin ang lahat ng kaniyang mga nalaman.

At mas lalong hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba ang mga ito.

Subalit kitang-kita na mismo ng dalawa niyang mga mata. Dinig na dinig na mismo ng magkabila niyang tenga. Ramdam na ramdam mismo ng kaniyang dibdib ang katotohanang nasa kaniyang harapan.

"Ang masama ay minsang naging mabuti't ang mabuti ay ang unang naging masama, Zahara."

Unti-unting namuo ang ilang butil ng luha sa kaniyang mga mata. Ilang saglit pa ang nagdaan ay dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang mga mata patungo kay Clantania at nauutal na ibinigkas ang mga salitang nais niyang mabigyan ng kasagutan.

"K-Kung totoo ang iyong mga isinalaysay, kung tunay ngang hindi ikaw ang naging dahilan kung bakit ako nagtataglay ng itim na salamangka't hindi ako ang tunay na itim na diyosa'y bakit ako nagkakaganito? Bakit naging ganito ang aking pagkatao? Bakit nagagawa kong magpalabas ng itim na salamangka't magpalit-wangis sa isang kahindik-hindik at nakakatakot na halimaw. . . kagaya mo."

Hindi naman agad nakatugon ang reyna ng kadiliman. Mabagal itong tumingin sa malayo bago tuluyang sagutin ang katanungan ni Zahara.

"Marahil ay ikaw ang naging bunga nang pag-iibigan nilang dalawa, ang bunga nang kataksilang ginawa sa akin ng iyong ama."

At sa mga katagang iyon ay muli na namang natigilan ang dalaga.

Huli na nang kaniyang mapagtanto ang sinasabi nito.

"A-Ang ibig mo bang sabihin ay-"

"Oo, anak ka ni Seraphina kay Zephyrius."

Isang napakahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang dalawa. Halos tanging pagpintig ng puso na lamang ni Zahara ang maririnig sa buong bulwagan na kanilang kinapaparoonan.

Ngayon lamang niya napagtanto kung bakit ganoon na lamang siya nito kung pagmasdan at pakatitigan, na wari ba'y nais siya nitong hagkan at lapitan.

Ngayon lamang niya napagtanto kung bakit ganoon na lamang kalakas ang kaniyang kapangyarihan, at kung bakit hangin ang kaniyang mahika't may pagkakatulad sa kaniyang kaibigan na siyang prinsesa ng Kahariang Aeros.

Gulong-gulo na ang kaniyang isipan. Masyado na siyang nahihirapan, nahihirapan sa walang hanggang katotohanan.

"At dahil sa ganid at kasamaan ng iyong ina,"

Kitang-kita ng dalawang busilig ni Zahara kung paano magngitngit ang mga ngipin ni Clantania dala nang labis-labis na poot at galit na siyang nadarama nito.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now