Kabanata 18: Thalia Terra

3K 207 27
                                    

ZAHARA'S POV

Paglaon ng ilang minutong paglalakad at makailang ulit na pagliko sa napakahabang pasilyo ay tumambad sa aming paningin ang lagusan papalabas ng gusaling aming kinaroroonan na hula ko'y nasa parteng likuran ng Akademiya. Nang ilibot ko ang aking paningin ay doon ko lamang napagtanto na wala na kaming nakakasalubong na kahit isang estudyante.

"Nakakatiyak ba kayo na tama ang tinatahak nating daanan?" Biglaan kong tanong na ikinahinto ng dalawang tao sa aming unahan. Lumingon sila sa aming gawi't walang ano-ano'y biglang nagsalita.

"Naituro na sa amin ng punongguro ang ating tutuluyan bago pa man din kayo dumating, Binibini. Kaya't nakakasiguro kami na ito nga ang tamang daanan." Saad ng ginoo na aking ikinatango.

"Kung maaari ay huwag ka na lamang magsalita pa't sundan na lamang kami sapagkat nasasayang mo ang aming oras, kaya kung pwede lamang ay muli na kayong gumalaw ng iyong kaurali nang sa ganon ay makapagpatuloy na tayo sa ating naudlot na paglalakad." Agad namang nangunot ang aking noo sa dagliang pahayag ng binibining nagngangalang Mercedes. Hindi ko lubos na naibigan ang tono ng kaniyang pananalita.

Akmang sasagot na sana ako nang bigla akong makaramdam ng may humawak sa aking braso, nang tingnan ko iyon ay nakita ko si Alice. Marahan siyang umiling na tila ba'y ako ay pinipigilan. Dahil roon ay wala akong nagawa kung hindi ang mapabuntong-hininga na lamang at tipid na tumango.

Nakita ko pa ang pag-irap sa akin ng binibini bago tumalikod at magpatuloy sa paglakad.

Ilang saglit pa ang nagdaan ay tuluyan na kaming nakalabas sa gusali dahilan upang mapagmasdan ko ang bagong tanawin.

Hindi kalayuan sa aming gawi ay nakatayo ang iilan pang mga gusali. Hindi ito kasing laki ng gusaling aming pinanggalingan ngunit sapat na ang sukat nito upang ako'y muling mapamangha.

"Ang gusaling nasa kaliwang bahagi ay ang dormitoryo para sa ating mga binibini," Tinuro ni Binibining Mercedes ang gusaling nasa parteng kaliwa.

"Iyan ang magsisilbi nating tahanan, kasama ang iba pang mga babaeng estudyante. At ang gusaling iyon nama'y ang dormitoryo para sa mga ginoo, doon mananatili si Ginoong Matthew." Turo naman niya sa katabi nitong gusali. Bawat gusali ay umaabot hanggang sa ikalimang palapag at sadyang ito'y napakalawak.

"A-Ang ganda." Agad naman akong napangiti nang marinig ang namamanghang tinig ni Alice, subalit agaran din itong naglaho nang muling magsalita ang huli.

"Tayo'y magpatuloy na't hindi ko nais na magtagal rito kasama kayo."

"Mercedes." Sita sa kaniya ni Ginoong Matthew dahilan upang ito'y muling mapairap at naunang maglakad.

"Pagpasensyahan niyo na lamang si Mercedes, ganoon lamang ang talaga ang kaniyang ugali. Sana'y inyong maintindihan." Malumanay na paliwanag nito.

"Ayos lamang iyon, Ginoong Matthew. Naiintindihan namin." Nginitian siya ni Alice upang ipakita na ayos lamang ito.

"Tawagin niyo na lamang ako sa aking palayaw na Matt, mga Binibini." Giit niya at ako'y tiningnan bago nginitian.

"Kung iyon ang iyong nais, Matt. Ang pangalan ko nama'y Alice," Pagpapakilala nito sa sarili at inilahad ang kaniyang kamay na agad namang inabot ng isa.

Nang matapos ang kanilang pagkakamayan ay agad na ibinaling sa akin ni Alice ang kaniyang paningin.

"At ito naman ang aking kaibigang si Zahara." Ani pa nito. Tinuon ko naman ang aking atensyon kay Matt bago ako ay nagsalita.

"Hara, maaari mo na lamang akong tawagin sa aking pangalang Hara. Ngunit iyan ay kung iyong nanaisin." Saad ko naman sa kaniya at inilahad ang aking kamay na mabilis din naman niyang inabot.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now