Kabanata 108: Ang Dambuhalang Ahas

508 29 6
                                    

THIRD PERSON'S POV

Animo'y bumagal ang pag-ikot ng mundo kasabay nang pag-atake sa dalagang si Alice ng dambuhalang ahas na siyang agaran nitong ikinatumba.

Subalit bago pa man din siya tuluyang lapain ng nilalang na iyon ay isang napakalakas na pwersa na ng enerhiya ang siyang nagpatalsik dito. Nang tingnan ng lahat kung sino ang may gawa niyon ay doon nila nakita si Mercedes na seryoso at nanggagalaiting nakatitig sa halimaw.

"Huwag na kayong tumitig pa't tumakbo na kayong lahat ngayon din!" Malakas na sigaw nito at marahas na tumakbo pasulong sa ahas na ngayon ay naghuhurumintado nang sumasalakay sa kaniya.

"Alice! A-Ayos ka lamang ba?" Aligagang tanong sa dalaga ng kaibigang si Zahara. Napapatulalang napatango naman ang huli na tila ba'y hindi pa natatauhan sa nangyari.

"Umalis kana rito, Alice! Tumakas na kayo ni Matt!" Agad nitong dagdag bagay na agarang ikinailing ng kaharap.

"Hindi Hara! Hindi kami tatakas ng hindi ka kasama! Ng hindi kayo kasama." Agad na naging seryoso ang ekspresyong nakabalatay sa mukha nito bago ibinaling sa halimaw ang atensyon nito.

"Lalabanan natin ang halimaw ng magkakasama."

***

Sunod-sunod na atake ang pinakawalan ng bawat isa patungo sa kalaban nila.

Sari-saring elemento't salamangka ang siyang namutawi sa buong kapaligiran. Pumailanlang din ang nakakabinging atungal ng halimaw tanda na ito'y nasasaktan at nahihirapan.

"Keep on striking! Natatalo na natin siya!" Sigaw ni Levi nang may ngiti sa mapupula niyang labi habang patuloy na kinokontrol ang mga baging at pinapapulupot sa katawan ng nilalang kasama si Thalia.

"Konti nalang!"

Nang inakala ng lahat na malapit na itong matumba'y isang kaginsa-ginsang pangyayari ang biglang nangyari.

Dumagundong sa malawak na kapaligiran ang sunod-sunod na pagngalitngit ng makakapal at mahahabang baging na nakapaikot sa katawan ng higanteng ahas at ilang saglit pa ang nagdaan ay tuluyan na itong napigtas dahilan upang ang lahat ay muling mapaatras.

Nahinto sila sa kani-kanilang mga ginagawa at may pangambang tumingala sa kanilang harap.

At ganoon na lamang ang takot na gumuhit sa kanilang mga mukha nang masilayan nila ang dahan-dahang pagbalik lakas ng ahas at ang unti-unting pagkapunit ng tila'y dragong rabaw nito't lumabas mula roon ang matutulis at mahahabang mga sungay na paniguradong nakamamatay sa oras na ikaw ay matamaan.

"I-Impossible." Mahina't hindi makapaniwalang sambit ni Kairus.

Agad-agad namang napasigaw ang mga kababaihan nang makita nila ang pagbabagong naganap sa nilalang na nasa harapan nila at mas lalo pa silang nagsigawan nang makitang papalapit na ito sa kanila.

Hindi naman nagsayang pa ng oras ang mga kalalakihan at muli na namang bumuo ng panibagong atake.

Nagpaumuna sa kanilang lahat ang binatang si Kairus at buong lakas nitong iniangat ang kanang kamay sa direksyon ng lawa at ilang saglit pa ang nakakaraan ay unti-unting umangat ang ilang porsyento ng tubig mula roon. Hindi nagtagal ay dahan-dahan itong bumuo sa hugis ng isa pang ahas, katulad na lamang sa nilalang na kasalukuyan nang rumaragasa papunta sa kanila.

"That's it. I think I now know how to beat this creature." Walang ano-ano'y wika ng binatang si Ryker.

"Ryker no! Masyadong delikado!" Agad na pigil sa kaniya ng kaibigang si Thalia.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now