Kabanata 51: Ang Hari at Reyna ng Kahariang Aeros

2K 147 17
                                    

ZAHARA'S POV

Ilang oras pa ang nagdaan bago namin tuluyang napagpasyahan ni Vishna na magtungo sa malaking bulwagan o ang silid-kainan sapagkat oras na ng pananghalian at kami ay nakakatiyak na naroroon na ang aming ibang mga kasama.

Magkalampi naming binagtas ang daan patungo roon at hindi naman maiiwasan ang sari-saring tingin na ipinupukol sa amin ng ibang mga mag-aaral na aming nakakasalubong, ngunit hindi na namin sila pinansin pa't dire-diretso na lamang na ipinagpatuloy ang aming paglalakad.

Ilang saglit pa ang nglaon ay narating na namin ang malaking pintuan ng malawak na bulwagan at walang pag-aalinlangan itong binuksan. Nang sandaling bumukas ang pintong iyon ay agad na natuon sa amin ang atensyon ng lahat ng mga taong nakakapaloob sa silid na iyon.

Mabilis namang nahagilap ng aking mga mata ang kinaroroonan nina Thalia at ng iba pa, maging sina Alice, Matt at Mercedes ay aking namataan na nakaupo sa kanilang tabi na mababakas ang matinding pagkailang sa kanilang mga mukha.

Hindi na kami nagtagal pa't agarang tinahak ang daanan papunta sa kanilang kinaroroonan.

"Hara? Vishna? Ayos na kayo?" Agad na bungad sa aming dalawa ni Thalia na makikitaan ng pagkagitla sa kaniyang mga mata.

Agad naman akong napangiti at napatingin sa aking katabi.

"Oo, ayos na kaming dalawa ni Vishna." Masigasig kong sambit na nakapagpatango sa kaniya.

"Mabuti naman kung ganun." Aniya at tumingin kay Vishna.

"Vishna, are you okay? Anong nangyari sa'yo kanina? Nag-alala kami sa'yo." Mahahalata ang pag-aalala sa tonong usal nito sa aking katabi.

"Don't worry Thalia, I'm fine." Malamig nitong sagot na ikinatango lamang ng babae sa aming harapan.

Pansin kong bumalik ang pagiging malamig ni Vishna magnula nang magtungo kami pabalik rito, siguro'y ito na ang kaniyang nakasanayang emosyon na ipinapakita sa lahat.

Subalit mabuti na lamang at pagdating sa akin ay ipinapakita na niya ang totoo niyang nararamdaman, nakakatuwa't ang sarap sa pakiramdam na ako'y kaniyang itinuturing na parang tunay niyang kapatid.

"Oh, and by the way, Hara. Sinama ko na sina Alice at ang dalawa niyo pang kaibigan dito, nakita ko kasi sila kanina na nakatayo sa labas ng cafeteria at sa tingin ko ay hinihintay ka nila since alam ko namang sabay kayo kakain, so I've decides na sabay-sabay nalang tayong lahat na kumain. That is, if that's okay with the four of you." Dagdag pa niya't tumingin sa gawi nila Alice na kasalukuyan ring nakatingala sa amin.

"Salamat sa pagsama mo sa kanila, Thalia."

"Walang anunan, Hara." Ngumiti siya sa'kin na agad ko namang sinuklian bago ko tuluyang balingan ng atensyon ang aking mga kaibigan.

"Alice, Matt, Mercedes, ayos lamang ba sa inyo na sumabay tayo sa kanila sa pananghalian? Ngunit kung naiilang kayo't nais ninyong magbukod ay iyon ang ating gagawin." Malumanay kong saad sa kanila na mabilis naman nilang tinugunan ng sagot.

"Hara, hindi ko man nais na tumanggi ngunit hindi ba't nakakahiyang sumabay tayo sa pagkain ng mga maharlika't dugong-bughaw?" Ani Alice na agarang sinegundahan ni Matt.

"Sang-ayon ako kay Alice, H-Hara." Kagaya ng nakagawian ay daglian namang namula ang magkabila niyang pisngi at hindi makatingin ng diretso sa'king mga mata na animo'y nahihiya.

"Isang napakalaking prebehelihiyo sa amin na makasabay sa pagkain ang mga dugong-bughaw na kaibigan mo, subalit hindi kami kagaya mo na kauri nila, Hara. Ang haka-haka'y kagaya ka nila na dugong-bughaw samantalang kami ay hindi at mga karaniwang nilalang lamang." Nalihis naman patungo kay Mercedes ang aking mga busilig nang iyon ay kaniyang isinatinig.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now