Kabanata 3: Bayan ng Zahea

4.4K 270 20
                                    

ZAHARA'S POV

Napalingon ako sa aking likuran at doon ko nasilayan ang isang sibat na nakatarak sa damuhan. Tiningnan ko ang direksyon na pinagmulan nito at doon ko namataan ang sunod-sunod na pagsulputan ng mga tulisan kasama ng mga bandido. Nang makita nila ako ay agaran silang tumakbo sa aking gawi't mabilis akong inikutan.

Wala akong nagawa nang marahas na naglakad papalapit sa aking harapan ang pinuno ng mga bandido't hawakan ng mariin ang aking panga.

"Nasaan ang lobo?!" Nanggagalaiting sigaw nito sa akin, subalit hindi ako sumagot at sinalubong lang siya ng masamang titig.

"Sumagot ka!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwa kong pisngi dahilan upang ako'y mapapikit.

"Hindi kami nagpakahirap sa paghuli sa lobong iyon para lamang sa wala!" Kasabay ng muling pagsigaw nito ay ang dahan-dahang pagmulat ng aking mga mata. Inangat ko ang aking paningin at sinalubong ang nanlilisik nitong kulay itim na mga mata na naging sanhi ng kaniyang pagkagulat. Alam kong sa sandaling ito'y naglaho na ang emosyong nakapaskil sa aking mukha't sapat na itong dahilan upang siya'y makaramdam ng labis na kaba.

"Walang sinuman ang marahas na manakit sa akin." Wika ko sa malamig na tono bagay na ikinabalatay ng sindak sa mga mukha nilang lahat. Nagsimula akong maglakad papalapit sa pinuno ng mga bandido dahilan upang siya'y mapaatras.

"Dahil ang sinuman ang magtangkang manakit sa akin ay tiyak na magsisisi!" Pagkasambit ko ng mga salitang iyon ay mabilis pa sa kidlat akong kumilos. Tila sumabay sa ritmo ng hangin ang bawat galaw na aking gawin. Natagpuan ko nalang ang aking sarili na may hawak na sibat mula sa likuran ng taong kaharap ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa't buong lakas itong winasiwas sa direksyon niya na siyang ikinatalsik nito papalayo. Nang dahil sa ginawa ko'y naalarma ang kaniyang mga kasamahan maging ang mga tulisan. Sabay-sabay nilang pinalabas at tinutok sa akin ang kani-kanilang mga sandata, ngunit hindi ako nakaramdam ng kaba bagkus ako'y napangisi.

"Hindi ka namin nais na saktan binibini. Kakalimutan namin ang iyong ginawang pagpapatakas sa lobo at sa ginawa mo sa aming pinuno, kapalit nun ay ang iyong pagsama ng matiwasay sa amin." Puna ng isang bandido. Inilihis ko ang aking paningin patungo sa kaniya at saka dahan-dahan na naging maamo ang aking mukha.

"Talaga ginoo? Gagawin niyo yun?" Mahinhin at malambing na tanong ko kasabay ng paglakad ko papunta sa kaniya na siyang naghatid ng matagumpay na ngiti sa kaniyang labi.

"Oo naman binibini, basta't sumama ka lamang sa amin." Aniya at pinaglandas ang kaniyang kamay sa aking balikat. Mas lalo namang lumawak ang ngiti sa aking labi't unti-unting itinaas ang kanan kong kamay sa kaniyang mukha't pinaglandas ito patungo sa kaniyang kaliwang pisngi.

"Kung iyon ay mangyayari." Pagkatapos kong sambitin ang mga katagang iyon ay biglang naglaho ang ngiti sa aking labi at walang pag-aalinlangng sinipa ang kaniyang pagkalalaki sanhi ng kaniyang malakas na pagsigaw dala ng matinding sakit na dulot nito.

Naalerto naman ang kaniyang mga kasamahan pati na ang mga tulisan.

"Lapastangan!" Mabilis akong sinugod ng mga bandido habang hawak-hawak ang kanilang mga sibat ngunit walang kahirap-hirap kong naiwasan ang kanilang mga atake. Samantalang ang mga tulisan naman ay lumusob din sa akin bitbit ang kanilang naghahabaang mga espada.

Napayuko ako nang may matuling lumipad sa aking taas na hula ko'y espadang nagmula sa isang tulisan. Sa dami nila ay halos hindi ko na magawang labanan silang lahat.

"Ahhh!!!" Awtomatiko akong napalingon nang marinig ko ang isang sigaw. Mabuti nalang at agad akong napaliyad bago pa man tuluyang tumama ang matalim na parte ng espada sa aking likuran. Nang makatayo ako'y muli kong iwinasiwas ang hawak kong sibat sa taong gumawa nun, tinamaan siya sa tagiliran na agad na dumugo.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon