ZAHARA'S POV
Sa huling pagkakataon ay muli kong pinagmasdan ang puntod kung saan ko hinimlay ang wala ng buhay na katawan ni Dencio.
Marahan kong pinalis ang luhang kumawala sa aking buliga.
"K-Kailanman ay hinding-hindi kita makakalimutan, Dencio. P-Patawarin mo si Ate ganda kung hindi niya nagawang tuparin ang kaniyang pangako, m-mahal. . . mahal na mahal ka ni Ate ganda. H-Hanggang sa muli nating pagkikita."
Tuluyan akong tumalikod mula sa kaniyang puntod.
Tuluyan akong lumayo sa batang walang ibang ninais kung hindi ang mamuhay nang payapa.
Mabigat man ang kalooban ay tuluyan ko nang iniwan si Dencio sa gitna ng kagubatan.
Iniwan ko siyang nag-iisa.
Gusto kong umiyak.
Gusto kong humagulgol.
Gusto kong magwala.
Subalit sa mga sandaling ito ay wala na akong mailuluha pa.
Nais kong humikbi subalit ako'y lubusang ubos na.
Ang lahat ng sakit, lungkot at pagdadalamhating nadarama ko ay tila'y nawala't napalitan ng galit.
Matinding poot at galit.
"Huwag kayong mag-alala, Felicia. . . Dencio. Lahat ng kasalanan ay may kapalit na kabayaran, buhay ang kinuha nila, kanilang kaluluwa ang siyang kukunin ko. Tapos na ang maliligayang araw nila sa pagkawala ko, ngayon, sa araw na ito, kasabay nang pagkamatay ninyo'y isasama ko sa inyong hukay ang katauhan ni Ara. Oras na upang bumalik si Zahara. . ."
"At oras na upang maisilang muli ang halimaw na siyang kinatatakutan nila."
* * * * *
Mariin kong pinakatitigan ang napakalaking tarangkahan sa aking harapan at nanggagalaiti ang mga mata itong nilampasan.
Dagliang napahinto ang lahat ng mga estudyante sa kanilang mga ginagawa't agarang natuon sa akin ang ngayon ay gitaltal nilang paningin.
Maging ang naroroon sa hindi kalayuan ay gulantang at hindi makapaniwala ang mga buliga akong pinakatitigan.
Halata sa kanilang mukha na sila'y lubos na nabigla sa aking pagdating.
Lalong-lalo na sa mga markhang nakapaskil sa aking mukha.
Subalit hindi ko sila pinag-aksayahan ng oras.
Hindi ko pinansin ang samo't saring reaksyon na kanilang ipinapakita at bagkus ay ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa ako'y tuluyang makarating sa gitna ng lahat.
Tumigil ako sa paglakakad at marahang inilibot ang walang emosyon kong mga mata sa buong sangkatauhan na ngayon ay nasa aking unahan.
Agad na umugong ang sunod-sunod na mga bulungan mula sa kanila bagamat wala akong ibang ginawa kung hindi ang pagmasdan sila.
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang pakatitigan sila.
Hindi kalaunan ay agad na nagsihawian ang lahat ng mga estudyanteng naroroon at ilang saglit pa'y sunod-sunod na mga pamilyar na mukha ang aking nakita.
Muli kong naramdaman ang poot at galit sa aking sistema nang sila'y aking makita.
"Z-Zahara. . ."
BINABASA MO ANG
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ]
FantasySa mundo ng salamangka kung saan nababalutan ng mahika ay mayroong dalawang nahahating lupain. Ito ay ang Lupain ng Zahea at ang Lupain ng Tenebris. Ang lupain ng Zahea ay binubuo ng apat na Kaharian, ito ay ang Kaharian ng Terros, Kaharian ng Fyros...