Chapter 1.1

6.3K 93 3
                                    

“MAGNANAKAW!”
Napalingon si Elij sa isang babaeng sumigaw niyon at nakita itong hinahabol ang isang lalaking may hawak ng bag ng babae. Kasalukuyan siyang nasa isang palengke sa Cebu ng mga oras na iyon.
Napabuntong-hininga siya at iniwanan ang mga pinamiling gulay para habulin ang magnanakaw na iyon. Sanay na siyang tumakbo dahil matagal niya ng hinasa ang katawan sa mga mahihirap na gawain.
Kanina pa tumigil ang babaeng ninakawan sa paghabol pero nagpatuloy pa rin siya. Hangga’t nakikita niya pa ang anino ng magnanakaw na iyon ay hindi siya titigil sa paghabol para makuha ang ninakaw nitong hindi naman nito pinaghirapan.
Binilisan ng lalaki ang pagtakbo at ganoon din naman ang ginawa niya. She was about to reach the thief when a black Porsche turned up all of a sudden. Hindi niya iyon napansin kaya muntik pa siya niyong mabangga. Mabuti na lang at nakapag-preno ito.
Tiningnan niya ng masama ang driver niyon pero hindi niya na pinag-ukulan ng pansin at nagpatuloy sa paghabol sa magnanakaw.
Nagpasalamat naman siya dahil hindi ito gaanong nakalayo at agad niyang naabutan.
Tumigil ang lalaki at hinarap siya. Napatingin siya sa kamay nito nang maglabas ito ng isang pocket knife. “Huwag kang lalapit,” banta pa nito.
Napaismid siya. Sanay na sanay na siya sa ganitong pagkakataon. Ilang magnanakaw na ba ang nahuli niya sa buong buhay niya? Hindi niya na maalala.
Humakbang siya palapit dito at mabilis pa sa kidlat na inagaw dito ang hawak na kutsilyo. Malinaw na malinaw ang pagkagulat at takot sa mukha ng lalaki.
Akmang lalapit pa siya dito nang bitawan nito ang hawak na bag at kumaripas ng takbo palayo. Naiiling na lang niyang pinulot ang bag at muling bumalik sa pinanggalingan.
Ganito na lang ba talaga ang takbo ng buhay niya sa lugar na ito? Taga-huli ng mga magnanakaw? Nag-pulis na lang dapat siya. Kailan kaya magkakaroon ng excitement at saya ang buhay niya?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now