Chapter 19.2

2.6K 34 1
                                    

KASALUKUYANG nag-aayos si Elij ng kama niya para sa pagtulog nang bigla siyang makarinig ng pagsigaw mula sa kuwarto ni Thaddeus. Nagulat pa siya nang makitang bumukas ang connecting door at pumasok doon ang lalaking iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang tuwalya lang ang nakapulupot sa ibabang parte ng katawan nito.
“Anong ginagawa mo dito?!” histerikal na sigaw niya.
“May… may malaking gagamba sa banyo,” sabi nito.
“Ano?” hindi siya makapaniwala sa dahilan ng takot nito. “Gagamba lang ‘yon—”
“Ayoko sa gagamba,” putol nito sa sinasabi niya at nagmamadaling lumapit sa kinatatayuan niya.
Halos atakihin siya sa puso nang bumagsak sa sahig ang tuwalyang nakapulupot dito. Malakas siyang napasigaw at naitaklob ang dalawang kamay sa mukha.
She saw it! She saw it! Damn it, she saw it! “Bastos ka, Thaddeus! Umalis ka sa kuwarto ko!” gusto niya ng himatayin ng mga oras na iyon. Nararamdaman niya ang tumatagaktak na pawis sa mukha niya.
“Ayoko!” sagot nito. Naramdaman niya ang pagsampa nito sa kama niya. “Hindi ako babalik sa gagambang iyon.”
Pinilit niyang alisin ang taklob sa mukha at ubod ng talim ang tinging ibinigay dito. Mabuti na lang at nakataklob na ng kumot ang katawan nito.
“Malaki talaga ‘yong gagamba,” pagpapatuloy nito, hindi pinapansin ang galit niya. “Baka pumasok iyon noong binuksan ko ‘yong bintana sa kuwarto. Nakita ko sa dingding ng banyo ‘tapos biglang nawala, siguradong aatakihin na ako noon kung hindi ako tumakbo. Paano kung may lason ‘yon? Paglalamayan na ako ngayon. Hindi puwede, bata pa ako!” nagkunwa pa itong umiiyak.
Inis niyang ginulo ang sariling buhok. Nababaliw na siya dahil sa lalaking ito! Ilang ulit siyang humugot ng malalim na hininga. “Sige, papatayin ko ‘yong gagambang ‘yon,” sabi niya. Pinulot niya muna ang tuwalya nito sa sahig at malakas na ibinato dito bago siya tumuloy sa silid nito.
“Mag-iingat ka, baka—”
“Tumahimik ka na!” sigaw niya dito. Tuluyan ng sumabog ang pasensiya niya sa kaingayan nito. She was still in rage because of what she saw a while ago.
Pagkarating sa kuwarto nito ay hinang-hina siyang napasandal sa dingding. Damn, hinding-hindi na magiging normal ang daloy ng utak niya simula ngayon. Why, oh why?!
Ilang saglit niyang kinalma ang sarili bago pumasok sa banyo nito at hinanap ang gagambang iyon na dahilan ng lahat ng ito.
Agad niya namang iyong nakita at napabuntong-hininga pa nang malamang hindi naman pala iyon ganoon kalaki. Kumuha siya ng tissue at hinuli iyon bago itinapon sa labas ng bintana ng banyo. Hindi niya magagawang patayin ang walang kalaban-laban na nilalang na iyon.
Nang makabalik siya sa kuwarto niya ay nakita niyang nakahiga pa rin sa kama niya si Thaddeus. “Wala na ‘yong gagamba, puwede ka ng bumalik sa kuwarto mo,” utos niya dito.
Umiling ito. “Paano kung may kakambal ‘yon?”
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Naghihinala na siya kung takot nga ba talaga ito sa gagamba o humahanap lang ng paraan para makatulog sa tabi niya.
Iminulat niya ang mga mata at pinilit ang sariling ngitian ito kahit kanina niya pa gustong saktan ito. “Bakit ka ba natatakot sa gagamba? Mas maliit pa iyon sa’yo,” mahinahong wika niya.
Umupo ito at sumandal sa headboard ng kama. Iniiwas niya ang tingin sa katawan nito. “Oo nga, pero mas maliit din naman ang dinamita, baril at kutsilyo sa akin, ah? Pero nakamamatay ang mga ‘yon.”
Tumango-tango siya. “Sige, palit muna tayo ng kuwarto?” subok niya dito.
Lumapit ito sa kanya at hinila siya paupo sa kama. “Dito ka na matulog, samahan mo ako,” para itong batang nagmamakaawa.
“Takluban mo nga iyang katawan mo,” mariing utos niya dito.
Tumawa ito at tinakluban naman ng kumot ang ibabang parte ng katawan nito. “Nakita mo na naman ito kanina,” tudyo pa nito.
Tiningnan niya ito ng masama. “Matulog ka na!” Ang maniyak-maniyak talaga nito kahit kailan!
Hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa hanggang sa makahiga ulit ito. Marahan siyang nahiga sa tabi nito, iniiwasan niyang gumalaw para hindi mapaharap sa maniyak na ito.
“Can I hold your hand?” tanong pa nito.
“Hindi puwede,” mabilis pa sa kidlat na tugon niya.
“Pero baka may dumating na gagamba.”
“Ayoko nga!”
Napabuntong-hininga ito. “You’re so stiff,” komento pa nito. “Hindi naman ako rapist, ah.”
Hindi pa rin siya lumilingon. Oo, hindi nga ito rapist pero paano ba naman siya makakatulog ng ayos kung may katabi siyang walang suot na kahit ano?
Mas lalo pa siyang nanigas sa pagkakahiga nang bahagya itong lumapit at kinumutan siya ng kumot na gamit nito. “It’s okay,” bulong nito. Kinuha nito ang isang unan at ginawang pagitan ng mga katawan nila pagkatapos ay hinapit siya nito paharap dito.
Tumitig ito sa kanya ng ilang sandali. His face was very close to hers. Her heart went wild when he saw his gaze went down on her lips. She couldn’t move as if she was in a magic spell.
Awtomatikong pumikit ang mga mata niya nang bumaba ang mukha nito. Then she felt his lips lightly brushed on her left cheekbone.
Napamulat siya at nakita ang pag-ngiti nito. Hinapit pa siya nitong lalo at niyakap ng mahigpit. There was a twinge of annoyance in her heart pero hindi niya na isina-tinig iyon. Isinubsob niya na lang ang mukha sa leeg nito. Kung hindi dahil sa unan na nakapagitan sa kanila ay siguradong bukas lang ay ididiretso na siya sa isang mental hospital.
“Alam mo,” pagsisimula nito. “Minsan kapag nakapikit ako… wala akong makita.”
She laughed. “Puro ka talaga kalokohan.” Pero ayos lang naman iyon, dahil mas nagiging at ease siya dito. Iniyakap niya ang sariling kamay dito. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon at hindi niya rin gustong malaman kung bakit.
Marahan itong napabuntong-hininga. “Be thankful na may nakapagitang unan sa atin, Elij,” magaspang na sabi nito.
Bahagya siyang natigilan pero lihim din naman siyang napangiti. “May itatanong ako sa’yo,” aniya.
Tumingin ito sa kanya pero hindi pa rin inaalis ang bisig na nakayakap sa kanya. “Ano? Huwag lang problem sa Math, ha?”
Napangiti siya. “Yong tungkol sa bago mong kliyente. Si Mrs. Lorna Domingo, may abogado rin ba ang asawa niya?”
“Oo naman,” sagot nito.
Marahan siyang tumango. “Bakit ganoon? Bakit may mga taong nagtatanggol pa rin sa mga katulad ng asawa ni Mrs. Domingo? Hindi ba sila nako-konsensiya?”
Mapait itong ngumiti. “Dahil sa pera. May mga taong gagawin talaga ang kahit ano dahil sa pera, ganoon talaga ang mundong ito.”
Tinitigan niya ito. “Pero hindi ka katulad nila,” bulong niya. “Alam kong minsan hindi ka na nagpapabayad.”
Sinalubong nito ang titig niya. “I’ve got enough money for myself. Kapag kasi pera na ang sinasamba ng tao, nawawala na talaga ang moralidad nila. Ako? I just want to stand for what is right, kahit na mag-isa lang ako. Kahit na siguradong marami ang kakalaban sa akin. Kahit na alam kong mapanganib. I want to give justice to those people who deserve it. Sa mga taong walang kalaban-laban sa mapang-aping lipunan.”
She sighed. He was a very good man, a man whom anyone could rely on. Pero ayaw niya namang mapahamak ito dahil sa mga ginagawa nito.
Kaya ka nga nariyan, hindi ba? Para protektahan siya, sabi ng isang parte ng isip niya. Ipinikit niya ang mga mata at isinubsob ang mukha sa leeg nito. Hindi naman iyon ang tunay na intensiyon niya kaya siya lumapit dito, ‘di ba? Pero bakit pakiramdam niya ay nabago na ang intensiyon niyang iyon? Why was her heart yearning to protect this man now? Bakit?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon