NAIINIS na napabangon si Thaddeus mula sa pagkakahiga nang makalabas ng kuwarto niya si Elij. Kanina niya pa napansin sa ospital na mukhang interesado ang babaeng iyon sa kaibigan niyang si Matthew.
Napaismid siya. Hindi siya papayag na maagaw ni Matthew ang atensiyon ni Elij na dapat ay sa kanya lang. Muli siyang bumagsak ng higa sa kama at tinitigan ang kisame. He was getting weirder and weirder these past few days. Pakiramdam niya ay hindi simpleng atraksiyon lang ang nararamdaman niya para sa babaeng iyon. Patuloy niya itong niloloko at binibiro dahil iyon lang ang alam niyang paraan para maging mas malapit dito.
Ipinikit niya ang mga mata. He liked her, yes. Dahil maganda ito at dahil sa nararamdaman niyang mabuti itong tao. At gagawin niya ang lahat para makuha ng lubos ang atensiyon nito. Napangiti siya sa naisip. He never enjoyed thinking of someone before, dito lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/198052992-288-k364172.jpg)
YOU ARE READING
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...