Chapter 5.4

2.6K 40 0
                                    

“ELIJ!”
Napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Thaddeus. Lihim siyang humugot ng malalim na hininga bago ito hinarap. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito.
“Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan kanina?” tanong nito.
Tumango siya at napatingin sa mga police cars na nakaparada sa tapat ng isang lumang warehouse kung saan naroroon si Anderson at nahuli na ng mga awtoridad. Nakabalik na rin sa piling ni Jeremy ang Keira na iyon. At lahat ng iyon ay dahil sa tulong niya at ni Rachel Leigh na kanina pang nakaalis.
Muli siyang napabuntong-hininga. Masaya siya dahil nahuli na ang isang kriminal pero may parte sa puso niya ang nalulungkot dahil alam niyang ang akala ng mga taong ito ay tunay na tumulong siya pero ang totoo naman ay kinukuha niya lang ang tiwala ng mga ito.
Nalipat ang tingin niya kay Thaddeus nang humakbang ito palapit sa kanya. “Maraming salamat, Elij,” wika nito. “Dahil pumunta ka dito at tinulungan kaming mahuli ang Anderson na iyon. Alam kong magpapaabot din ng pasasalamat sina Jeremy at Keira pagkatapos ng lahat ng ito. Siguradong iimbitahin ka rin nila sa kasal ng mga iyon,” ngumiti pa ito.
Tinitigan niya ito ng ilang saglit. He was so innocent. At nababagabag ang kalooban niya sa ginagawang panloloko dito. Alam niyang nakuha niya na ang tiwala nito at siguradong magiging masaya si Anthony tungkol dito. Pero hindi niya magawang maging masaya because she knew she didn’t deserve this trust from him and from his friends.
But she had no choice. Kailangan niyang harapin ang katotohanan na hindi ganoon kadali ang buhay. Na minsan kailangan niyang gumawa ng mga bagay na hindi niya gusto para lang mabuhay. Mahalaga para sa kanya ang buhay ng pamilya niya at hindi niya gustong ipahamak ang mga ito dahil mas pinili niya ang prinsipyo niya. Alam niya kung paano magalit si Anthony sa mga taong sumusuway dito.
Tumingin siya kay Thaddeus at pinilit ang sariling ngumiti. “Babalik na ba tayo sa Maynila?” tanong niya.
“Kailangan ko pang dumaan sa Hacienda Fabella para pag-usapan ang tungkol kay Anderson,” sagot nito. “Kung gusto mo, sumama ka na lang sa akin para makilala ka ng mga kaibigan ko.”
Umiling siya. “Hindi na, Thaddeus. May kailangan din kasi akong bisitahin dito sa Cebu, ang pinsan ko. Tawagan mo na lang ako kung aalis na tayo,” pagdadahilan niya.
Napilitan itong tumango at pumayag. Pagkatapos magpaalam dito ay tumuloy na siya sa paglayo. Nakakapagod ang gabing ito at nais niyang magpahinga kahit sandali lang.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now