Chapter 7.4

2.5K 35 0
                                    

NAPATIGIL si Elij sa pagbaba sa hagdan nang marinig ang pagtawag ni Thaddeus sa pangalan niya. Lumapit ito sa kanya at ngumiti. "Saan ka pupunta?" tanong nito.
"Pupunta ako sa ospital para bisitahin si Sam," sagot niya at nagpatuloy sa pagbaba. Higit isang linggo na rin nang huli siyang makadalaw sa kapatid.
"Puwede bang sumama sa'yo?" tanong pa ni Thaddeus na nakasunod lang sa kanya.
Nang tuluyan silang makababa ay muli siyang tumigil at hinarap ito. "Hindi ba ngayon ka lang nagka-off sa trabaho mo? Magpahinga ka na muna." Bakit naman gusto nitong sumama sa ospital? Anong gagawin nito doon?
"Sige na, isama mo na ako," pangungulit pa nito na parang bata.
Umiling siya. "Umakyat ka na sa kuwarto mo at magpahinga. Wala ka namang magagawa doon," pagtataboy niya dito.
"Ayoko nga," humalukipkip ito. "Wala rin akong magagawa dito kapag umalis ka," lumapit ito sa kanya, nagmamakaawa ang mukha. "Sige na, please, please," para itong batang umuungot na pagbigyan.
"No, Thaddeus," patuloy na tanggi niya. "Bakit ba ang kulit mo?"
"Sige na, sige na, please," pagpapatuloy nito. "Hindi naman ako manggugulo doon," itinaas pa nito ang kanang kamay bilang pangako.
"Thaddeus-"
"Hahalikan kita kapag hindi ka pumayag," banta nito.
Nanlaki ang mga mata niya. Galit na galit niyang pinagpapalo ang braso nito. Tumatawa lang naman itong lumayo sa kanya. "Bastos ka talaga!" naiinis na sigaw niya.
"Ang bastos naka-hubad," ngumisi ito. "Gusto mo ba akong maghubad?"
Tinalikuran niya na ito. "Bahala ka sa buhay mo," nagdadabog siyang lumakad palayo.
Humabol lang ito sa kanya. "Isasama mo na ako?"
Tumigil siya at humugot ng malalim na hininga. Ano pa bang magagawa niya?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora