Chapter 27.3

2.6K 31 0
                                    

“ANONG ibig sabihin ng ginawa mo, Rachel Leigh?!” pasigaw na tanong ni Anthony kay Rachel na nasa harapan nito ngayon. “Tama ba ang sinabi ni Drake na iniligtas mo ang Arzadon na iyon? At hinayaan mong makatakas si Elij?”
Yumuko si Rachel. “Tama lang ang ginawa ko, Anthony.”
“Tama?” hindi makapaniwalang ulit ni Anthony. “Anong nangyayari sa’yo?! Alam mo kung gaano kalaki ang naging epekto ng pagta-traydor ng Elij na iyon sa mga plano ko! At posibleng alam na ng Arzadon na iyon ang lahat!”
“Walang alam si Thaddeus sa lahat ng ito, sigurado ako doon,” tugon ng babae. “Huwag na tayong mandamay ng mga inosenteng tao dito, Anthony. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa’yo, hindi ka ganito kasama.”
Napipilan si Anthony sa sinabi nito. Ilang beses itong humugot ng malalim na hininga. “Anong gusto mong gawin ko, Rachel Leigh? Hayaan na lang sila, ganoon ba?”
Tumango si Rachel. “Oo, hayaan mo na lang sila. Unang-una sa lahat, hindi si Elij ang may utang sa’yo kundi ang ama niya. At sa tagal niya ng sumusunod sa’yo, sigurado akong bayad na siya. Pabayaan mo na siya, may sarili siyang buhay. Ganoon din si Thaddeus, dahil lang isa siya sa mga breakers na kinamumuhian mo kaya ginagawan mo sila ng masama. Mga inosenteng tao sila, Anthony. Parang awa mo na, pabayaan mo na sila.”
Nai-hilamos ni Anthony ang kamay sa mukha nito. “Anong mangyayari ngayon, Rachel? Unti-unti ng nasisira ang mga plano ko.”
Napayuko ang babae. Hindi nito alam kung ano ang isasagot.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa buong paligid.
“Pagbibigyan kita, Rachel,” ani Anthony.
Gulat na napatingin si Rachel dito.
“Pagbibigyan kita,” pagpapatuloy ng lalaki. “Katulad ng ginawa kong pagbibigay sa’yo noon patungkol kay Sandra. Pababayaan ko na si Elij at ang Arzadon na iyon. Pero huwag na huwag mo akong bibiguin, Rachel. Ikaw na lang ang nag-iisang pinagkakatiwalaan ko para magantihan ang Christopher na iyon. Huwag na huwag mong sisirain ang tiwalang iyon,” pagkasabi niyon ay tinalikuran na nito ang babae at lumakad palayo.
Naiwan doon si Rachel na nakatulala at hindi alam kung ano ang gagawin at iisipin.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now