Chapter 17.3

2.5K 36 2
                                    

NAKATINGIN pa rin si Thaddeus sa pintong nilabasan ni Elij. Ikinuyom niya ang mga kamao. Bakit niya ba sinabi iyon? Bakit niya ba patuloy na ipinapalabas dito na wala siyang alam?
Inilipat niya ang tingin sa mga papeles na nagkalat sa sahig. Lumuhod siya at isa-isang pinulot ang mga iyon. Matagal niya ng alam na iba ang pakay nito sa pag-a-apply sa kanya. Ang hindi niya lang alam ay kung ano iyon. Alam niyang may kailangan ito sa kanya, simula nang marinig niya itong may kausap sa cell phone nito noon malapit sa pool. Ipinalabas niya lang dito na hindi niya narinig ang usapan ng mga ito.
After that day, pina-imbestigahan niya ang background nito pero wala namang kakaiba doon. She was not one of the members of those spy groups na binabayaran ng mga taong may galit sa kanya.
Naisip niya na baka may nag-uutos lang dito na subaybayan ang bawat kilos niya. Pero bakit? Gusto niyang malaman kung bakit?
Tumayo siya at muling ibinalik ang folder sa mesa. Maingat siya sa mga gamit niya kaya kahit anong gawin nito ay wala itong makukuha sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. Bakit niya ba hinahayaang manatili pa ito sa tabi niya gayong alam niyang may iba itong pakay sa kanya? Dahil naaawa siya dito, tama. Iyon ang patuloy niyang isinisiksik sa utak niya pero alam niyang hindi lang iyon ang dahilan. Isa pang dahilan ay dahil masyado ng na-attach ang damdamin niya para dito at parang ayaw niya na itong pakawalan. He must be crazy, yes. Pero alam niyang hindi ito masamang tao, nararamdaman niya iyon. Siguradong sumusunod lang ito sa utos ng kung sinomang nag-uutos dito dahil may dahilan ito. Baka tinatakot ito ng mga taong iyon. Basta siguradong may dahilan ito.
Tumingin siya sa connecting door ng mga kuwarto nila. He would give her a chance, a chance to try telling him everything. A chance to trust him. Sana lang ay magawa nitong makita na nakahanda siyang makinig at tumulong dito. Hindi niya ito pipilitin pero maghihintay siya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now