LUMAPIT si Elij kay Thaddeus na abala pa rin sa pakikipag-usap sa mga pulis. Nasa loob na sila ng Azcarraga Hospital sa Makati ng mga oras na iyon kung saan doon naka-confine si Matthew dahil sa ilang injuries na tinamo nito.
Si Brian ang nag-iisang suspect na nahuli at siguradong mapipiit na ito sa kulungan ng mahabang panahon. Alam niyang alam na ni Anthony ang tungkol sa pangyayaring ito at malamang ay gumagawa na ito ng paraan para mapagtakpan ang kung anumang koneksiyon nito kay Brian. Sigurado rin siyang mahihirapan ito sa pagsasagawa ng mga plano nito ngayon dahil paniguradong pai-imbestigahan ng mga breakers ang pangyayaring ito.
Nakakaramdam na siya ng pag-aalala at pagkatakot sa mga pangyayaring nagaganap. Hindi niya na gustong may mga tao pang patuloy na masaktan at mahirapan dahil lang sa galit ni Anthony sa Christopher na iyon. Hindi niya alam kung kaya niya pa bang patuloy na manloko ng mga inosenteng tao. Hirap na hirap na siya. Hindi niya na alam kung kaya niya pa bang magpatuloy.
Bakit ba ganito ang naging buhay niya? Bakit hindi na lang siya naging katulad ng ibang mga tao na gumagawa lang ng mga ordinaryong bagay? Bakit? Bakit kailangang mapiit pa siya sa gulong ito?
YOU ARE READING
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...