Chapter 30.7

3.4K 35 0
                                    

NARAMDAMAN ni Elij ang malambing na pagyakap sa kanya ni Thaddeus mula sa likod habang pinapanood ang naggagandahang ilaw ng mga gusali sa labas ng glass wall ng isang private suite sa loob ng de Angelo Hotel. Sa hotel na iyon ginanap ang reception ng kasal nila kanina. She was now officially his and his alone.
Marahan nitong hinaplos ang tiyan niya. “Let’s make a baby now, my wife,” atat na sabi nito.
Napangiti siya at napailing. Hindi talaga ito makapaghintay kahit kailan.
Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa baywang niya at ipinatong ang baba sa balikat niya. “Alam mo bang ako ang huling breaker na ikinasal sa amin?” imporma pa nito. “Wala ng single sa society.”
Napatawa siya. Mas mabuti na iyon para mabawasan na rin ang mga womanizer sa mundo.
“Ano ng mangyayari sa society niyo ngayon?” curious na tanong niya.
“Ganoon pa rin naman, samahan pa rin namin iyong sampu at hindi na iyon magbabago.”
Tumango-tango siya. Isinandal niya ang ulo sa balikat nito at napapikit nang maramdaman ang paghalik nito sa leeg niya. He lightly licked the back of her neck and showered it with hot kisses.
Hindi na siya nakapagtiis at pumihit paharap dito. Then she met his lips with hers in a fiery kiss that both havoc their senses.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now