Chapter 23.2

2.5K 28 0
                                    

ILANG linggo ang lumipas pero wala pa ring naging pagbabago sa pakikitungo sa kanya ni Thaddeus. Bawat araw ay mas lalo pa itong lumalayo sa kanya. Pero hindi pa rin mapigilan ni Elij na patuloy na subukang lapitan ito at kausapin kahit na madalas ay hindi siya nito pinapansin. Nahihirapan na siya pero hindi niya naman gustong patuloy lang silang maging ganito.
Napatayo siya sa kinauupuang sofa nang makita ang pagbaba nito sa hagdan. Sa pagkakaalam niya ay wala itong trabaho ngayon kaya tanghali na itong nagising.
Lumakad siya palapit dito. “May pupuntahan ka ba?” tanong niya dito. Nakasuot kasi ito ng pang-alis na damit.
Sumulyap ito sa kanya. “Wala akong magawa dito kaya pupunta ako sa mga kaibigan ko,” sagot nito.
Tumango siya at ngumiti. “Mag-iingat ka,” nasabi niya na lang. Alam niyang hindi rin siya nito isasama kaya iyon na lang ang sinabi niya.
Tumango na lang ito at tuluyan ng lumabas. Sinundan niya ito ng tingin. Ayos lang kahit maiwan na naman siya dito mag-isa, ang mahalaga sinasagot na ulit siya nito. Siguro naman ay unti-unti ng humuhupa ang galit nito sa kanya. Masaya siya sa kaisipang iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora