Chapter 18.3

2.4K 27 1
                                    

TALAGA ngang napakabilis ng araw, hindi magawang paniwalaan ni Elij na dalawang linggo na kaagad ang lumipas matapos ang pagpasok ng bagong taon. Isang linggo na rin simula nang huli siyang bumisita sa pamilya niya kaya napag-pasyahan niyang bisitahin ang mga ito sandali. Ang alam niya ay wala rin namang trabaho ngayon si Thaddeus.
Bumaba siya ng hagdan at dumiretso sa kusina para kunin sa refrigerator ang chocolate cake na binili niya para ipasalubong sa mga kapatid.
Kumunot ang noo niya nang makitang wala na doon ang cake na binili. Sigurado siyang dito niya iyon inilagay kagabi. Imposible namang mawala iyon kung walang—
Napatigil siya nang maisip kung sino ang maaaring dahilan ng pagkawala ng cake na iyon. Pagalit niyang isinara ang fridge at nagmamartsang tumuloy sa living area.
Nakita niyang naroroon si Thaddeus at nanonood. He was casually tossing peanuts in the air and catching them with his mouth.
Lumapit siya dito at inis na inis na tiningnan ito. She was pretty sure that this man was the culprit of her cake’s disappearance!
Tumingin ito sa kanya at tinapik ang sofang kinauupuan nito. “Gusto mo bang manood? Hunger Games ang palabas ngayon sa T.V.,” yaya pa nito.
“Hunger Games?” sarkastikong ulit niya sa sinabi ito. “Bakit kaya hindi iyang hunger mo ang pigilan mo?! Bakit mo kinain ang cake ng mga kapatid ko?!”
“Anong pinagsasasabi mo? Wala akong alam diyan,” tanggi pa nito.
“Ayaw mo pang umamin, ha? Tayong dalawa lang ang tao dito,” mariing sagot niya.
“Nakasulat sa Philippine Constitution Article 3 Section 17, entitled Right Against Self-Incrimination, that no person shall be compelled to be a witness against himself. Kaya hindi ako magsasalita. I invoke my right against self-incrimination,” tumawa pa ito.
Kinuha niya ang throw pillow at galit na galit na pinagpupukpok ito. “Huwag mo akong daanin diyan sa batas-batas mo! Pati pagkain ng iba, pinagkaka-interesan mo! Sobra ka na!”
Patuloy lang ito sa pagsangga at pagtawa. Mas lalo lang tuloy kumulo ang dugo niya.
“Bibili na lang ako,” sabi nito.
Hindi pa rin siya tumigil sa pagpukpok dito. Hindi ito matututo kung hindi niya parurusahan.
“Tama na, Elij. Hahalikan na talaga kita,” pananakot pa nito.
Awtomatiko siyang napatigil at napalayo dito. Ibinato niya dito ang throw pillow at nag-walk-out sa lugar na iyon.
“Bibili na lang uli ako!” narinig niyang sigaw nito.
Hindi niya ito sinagot. Bahala ito sa buhay nito! Patay-gutom na manyakis!

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonDove le storie prendono vita. Scoprilo ora