Chapter 2.2

3K 62 0
                                    

TUNAY na napakaganda nga ng Hacienda Fabella. Masyado na siyang naakit sa ganda niyon kaya hindi niya na namalayan ang paglipas ng oras. Tiningnan niya ang suot na relo. Alas-diyes na ng gabi, kailangan niya ng umuwi para mai-ayos ang gamit ng pamilya para sa pagluwas nila ng Maynila. Ayos na ang makita niya ang Thaddeus na iyon sa ngayon, may plano na siya para malapitan ito.
Napatigil siya sa paghakbang nang maramdaman ang mga yabag na nanggagaling sa garden house ng haciendang iyon. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang si Thaddeus iyon. Sinundan ba siya nito?
Napansin niya pa ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siya. Napangiti ito at humakbang palapit sa kanya. Her first instinct was to run pero hindi niya nagawang mai-hakbang ang mga paa nang tuluyan na itong nakalapit sa kanya. Her feet was stucked on the ground, frozen.
“Sa wakas nakita ko na rin ang diyosang hinahanap ko,” wika nito sa magaspang na tono. Humakbang pa itong lalo palapit sa kanya hanggang sa ilang danggkal na lang ang maging layo nila at maramdaman niya ang init na nagmumula sa katawan nito.
Gusto niyang lumayo. Gusto niyang kumaripas ng takbo pero bakit parang ayaw sumunod ng katawan niya? Napatingala siya dito. His nearness made her heart beat faster than normal. Damn, he was so handsome.
Ngumiti ito at pinakatitigan ang buong mukha niya. “Beautiful,” bulong nito. “Talagang napaka-ganda mo,” ngumiti ito. “Puwede ba kitang hawakan?”
Nanlaki ang mga mata niya at namula ang buong mukha. Hindi siya sanay na makatanggap ng compliment lalo na kapag galing sa ganito ka-guwapong nilalang. Teka, napatigil siya, gusto siya nitong hawakan?
Huli na para makatanggi siya dahil naabot na nito ang isang kamay niya at mahigpit na ikinulong iyon sa mga kamay nito. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na init na dumaloy sa buong katawan niya sa ginawa nito. Nabibingi na rin siya sa malakas na tibok ng puso niya. Ano bang nangyayari sa kanya?
“You’re real,” sambit pa nito. “Gusto mo bang pumasok sa loob? I want to dance with you.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Mabilis niyang hinigit ang kamay niyang hawak nito. Laking pasasalamat niya nang magawa niyang maiatras ang mga paa. “K-Kailangan ko ng umalis,” nagmamadaling wika niya.
Hindi niya na ito pinagsalita at kumaripas na ng takbo palayo. Hindi niya na rin pinansin ang pagtawag nito. Bakit ba siya nagpapadala sa kaguwapuhan nito at nakakalimutan niya ng mag-isip ng matino? Gusto niyang pukpukin ang sariling ulo dahil doon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now