Chapter 6.3

2.6K 40 0
                                    

NAPATINGIN si Elij sa pinto ng opisina ni Thaddeus sa law firm nito sa Makati nang lumabas ito at ang kliyente nitong kanina pa nitong kausap. Tanghali na at akala niya ay hindi pa ito lalabas.
Nagkamay ang mga ito at nalipat ang tingin ni Thaddeus sa kanya. Tumayo siya sa kinauupuan at lumapit dito. “Sa wakas, lumabas na rin kayo,” sabi niya.
Ngumiti ito. “Gutom ka na ba?”
“Medyo,” pag-amin niya.
Napahawak ito sa sariling tiyan. “Gutom na rin ako. Kanina pa nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan,” inabot nito ang isang kamay niya at inilagay iyon sa tiyan nito. “Can you feel them?” his voice was teasing.
Mabilis niyang hinigit ang kamay, nag-init na naman ang buong mukha niya. Feel what? His washboard stomach under that damn suit?!
Tiningnan niya ito ng masama nang tumawa ito ng malakas. Muli na naman nitong inabot ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit. Pilit niya iyong binabawi dito pero hinila na siya nito palabas ng firm nito. Mabuti na lang at wala ang mga empleyado doon dahil lunch break na ng mga ito.
Pinakawalan lang siya nito nang makarating sila sa sasakyan nito. Galit na galit niya itong tiningnan. “Hanggang kailan mo ba ako momolestiyahin, Arzadon?” pagalit niya dito.
Napasinghap ito. “Pang-momolestiya na ba ngayon ang paghawak ng kamay?” may naglalarong ngiti sa mga labi nito kaya sigurado siyang nagloloko na naman ito.
“Oo!” sigaw niya at humalukipkip. Puno pa rin ng inis ang damdamin niya.
“Bakit ikaw? Hinahawakan mo ang abs ko,” sabi pa nito.
Hindi siya makapaniwalang napatingin dito. “Aba’t—” galit niya itong hinampas sa dibdib. “Ikaw kaya ang naglagay ng kamay ko doon!” Sasabog na yata ang ulo niya sa pagkainis sa lalaking ito.
“Oh!” itinuro nito ang sariling dibdib na hinampas niya. “Pati matipuno kong dibdib pinagnanasaan mo na rin.”
Inis na inis niyang ginulo ang sariling buhok. Paano ba siya nakakatagal sa isang ito? “Ewan ko sa’yo!” binuksan niya ang pinto ng kotse nito at padabog na pumasok sa passenger’s seat.
Nakikita niya pa ang malawak na ngiti ng lalaking iyon hanggang sa makapasok ito sa loob.
“Let’s eat in a restaurant,” sabi pa nito. “Saan mo gusto?”
Hindi niya ito sinagot. Kung akala nito ay kakausapin niya ito, nagkakamali ito.
“Put on your seatbelt,” he added and started the car’s engine.
Inirapan niya lang ito at hindi sinunod. Bahala ito sa buhay nito.
“Kailangan mong magsuot ng seatbelt, Elij,” pagpapatuloy nito na para bang hindi nakakaramdam ng pagkainis niya. “According to Republic Act No. 8750 Section 4, for one’s safety, the driver and front seat passengers of a public and private motor vehicle are required to wear or use their seatbelt devices while inside a vehicle of running engine on any road.”
Hindi makapaniwalang napatingin siya dito. Inabot niya ang seatbelt at ikinabit iyon sa sarili. Pagkatapos ay muli niya itong inirapan. Kung hindi niya lang talaga ito amo, baka matagal niya na itong nasaktan. Gigil na gigil na siya dito.
Mas nadagdagan pa ang inis niya nang marinig ang muli na naman nitong pagtawa. Napaka-manhid talaga ng lalaking ito! Bakit ba siya napasok sa buhay ng lalaking ito na wala na yatang ibang gustong gawin kundi asarin siya ng walang humpay?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now