Chapter 15.1

2.5K 25 0
                                    

NAPASULYAP si Elij kay Thaddeus nang makasakay sila sa sasakyan nito matapos nilang makausap ang isang witness para sa panibagong kasong hawak nito. “Paano mo nalalaman na nagsisinungaling ang isang tao?” naisipan niyang itanong dito. Malimit niya kasing napapansin na madali para dito ang alamin kung sino ang nagsisinungaling sa mga kliyente nito. Tulad na lang kanina, agad nitong napaamin ang kinausap nilang witness na may alam ito sa kasong hawak ni Thaddeus.
Tumingin ito sa kanya at bahagyang ngumiti. “Kapag alam mo na ang katotohanan, madali mo ng nalalaman ang mali at nakikilala ang mga taong nagsisinungaling sa’yo. Kaya dapat una mong alamin ang katotohanan bago ka makinig sa sinasabi ng ibang tao. Kasi may kanya-kanya ng version ang kuwento ng mga tao.”
Tumango-tango siya. Naisip niya kung anong mangyayari kapag nalaman nito ang tunay na pakay niya sa buhay nito. Magagalit ba ito sa kanya? Panigurado iyon. Subalit kakayanin niya ba ang galit nito? Hindi niya alam kung bakit may tanong ng ganoon sa isipan niya ngayon. Unti-unti na siyang nagsisimulang mangamba at matakot.
Nang simulan nitong paandarin ang sasakyan ay hindi na rin siya nagsalita, ganoon din naman ito. Pagkarating nila sa bahay nito ay tumuloy na siya sa hagdan. Napatigil siya nang makitang tumuloy naman ito patungo sa private bar.
“Thaddeus,” tawag niya dito.
Napalingon ito sa kanya. “Bakit?”
Lumapit siya dito. “Iinom ka na naman?”
Ngumiti ito. “Isang beer lang, manonood rin ako ng Spongebob,” sagot nito.
Napabuntong-hininga siya. “Manood ka na lang. Tigilan mo ng gawing sleeping pills ang beer.”
Humakbang ito palapit sa kanya. “Bakit? May naisip ka bang ibang pampatulog na puwede kong gawin?” lumipat ang tingin nito sa mga labi niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa ibig nitong ipahiwatig. She held his gaze for a few seconds longer than she usually do. Unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanya. Kahit gusto niyang umatras ay hindi naman magawang sumunod ng mga paa niya. His lips nearly brushed on hers, pigil niya ang sariling hininga.
“I want to take you to my bed now, sweetie,” he whispered huskily. “Siguradong makakatulog ako pagkatapos ng gagawin natin.”
Natauhan siya sa sinabi nito. Agad niya itong itinulak palayo sa kanya. “Uminom ka na lang,” naiinis na sabi niya at tinalikuran ito. She marched her way to the stairs straight to her room. Gagawin pa siya nitong pampatulog?!
Naiinis niyang ginulo ang sariling buhok. Ano bang nangyayari sa kanya at hinahayaan niya itong maging ganoon sa kanya?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now