Chapter 29.4

2.8K 31 0
                                    

NAPATIGIL si Elij sa pag-aayos ng mesa niya nang hapong iyon nang marinig ang pagtunog ng cell phone niya. Lumukso ang puso niya nang makita ang pangalan ni Thaddeus. Mabilis niya iyong sinagot. “Bakit ngayon ka lang tumawag?” bungad na pagalit niya dito.
Tumawa ito. “I’m sorry, sweetie. Napakagulo kasing kausap ng kliyente ko, pinapunta pa ako sa kung saan-saang lugar.”
Malungkot siyang napabuntong-hininga. “Kailan ka pupunta dito?” Miss na miss niya na talaga ito.
“Nandito na ako, sweetie,” sagot nito.
Bigla siyang napatayo sa sinabi nito. “Saan?” hindi maitago ang pagkasabik sa tono niya.
Sinabi nito sa kanya ang hotel na tinutuluyan nito. Pagkatapos nitong magpaalam ay dali-dali niya ng inayos ang mga gamit. Tapos na naman ang trabaho niya kaya puwede na siyang umalis. Walang ibang tumatakbo sa isipan niya ngayon kundi ang muling makita ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now