Chapter 7.6

2.5K 42 1
                                    

UMAKYAT si Elij sa hagdan ng bahay ni Thaddeus para tumungo na sa sariling kuwarto at magpahinga. Hindi niya alam kung tulog na ba si Thaddeus. Nakita niya ang sasakyan nito sa labas kaya sigurado siyang nakauwi na ito.
Napatigil siya sa paghakbang nang mapatapat sa pinto ng kuwarto nito at marinig ang boses nito.
“Die you fat pig! Die! Die!” sigaw nito.
Kumunot ang noo niya at binuksan ang bahagyang nakaawang na pinto ng kuwarto nito. Sino naman kayang kaaway nito?
“Oh, damn—” napatigil ito at napatingin sa kanya. Nakaupo ito sa harap ng study table nito at may pinagkaka-abalahan sa laptop na naroroon.
“Anong ginagawa mo?” curious na tanong niya at tiningnan ang ginagawa nito. Napahawak siya sa ulo nang makitang naglalaro lang pala ito ng Angry Birds.
Hinampas niya ito sa balikat. “Akala ko may baboy ng nakapasok dito at pinapatay mo,” inis na sabi niya.
Hinaplos nito ang nasaktang balikat at sumandal sa upuan. “Palagi mo na akong sinasaktan, idedemanda kita ng physical injuries,” pagbabanta pa nito.
“Sige,” subok niya.
“Ayoko nga,” ngumiti ito at malagkit na pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. “Mawawalan ako ng maganda at sexy na bodyguard na may pagka-sadista.”
Aktong hahampasin niya ulit ito nang agad itong tumayo at lumayo sa kanya.
“Kumusta na ang kapatid mo?” tanong nito.
Bumuntong-hininga siya. “Maayos naman siya. Sabi ng doktora niya ay kailangan niya na daw ma-operahan. Kapag nakahanap na daw sila ng heart donor.”
Tumango ito. “Kailangan mo ba ng pera?”
Umiling siya. “Hindi, sinagot na naman ni Matthew ang lahat ng gastusin kay Sam. Babayaran ko na lang sa kanya kapag naka-ipon ako,” napangiti pa siya sa pagka-alala sa kabaitan ni Matthew. Hindi niya akalaing may tao pang katulad nito sa mundo.
“Ganoon ba?” humakbang ito patungo sa kama at naupo doon. “Ayos ‘yon.”
“Mabuti nga may doktor pang katulad niya,” tiningnan niya ito. “Matagal mo na ba siyang kaibigan?” Gusto niyang makaalam ng kahit kaunting impormasyon tungkol dito.
“Oo.”
“May girlfriend ba siya ngayon?” direktang tanong niya.
Tinatamad pa itong tumingin sa kanya. “Oo, marami siyang babae.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Siguradong hindi kasing dami ng sa’yo.”
Naghikab ito at pabagsak na humiga sa kama. “Inaantok na ako, paki-patay na lang ng ilaw,” sabi nito bilang pagtatapos sa usapan.
She angrily scoffed and turned her back on him. Bastos talaga ang lalaking ito kahit kailan. Nagtatanong naman siya ng ayos, ah?
Nagmamartsa pa siyang lumabas ng kuwarto nito. Hindi niya pinatay ang ilaw dahil sa inis niya. Bahala itong gumawa ng bagay na iyon!

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonМесто, где живут истории. Откройте их для себя