Chapter 11.2

2.5K 28 0
                                    

AGAD na tumayo si Elij mula sa pagkakaupo sa settee na nasa loob ng opisina ni Thaddeus nang makalabas ang kanina pa nitong kausap na kliyente. Tumingin siya kay Thaddeus na tumayo na rin at lumapit sa kanya. Ngumiti siya. “Akala ko hindi na matatapos ang usapan niyo,” biro niya pa.
Nagkibit ito. “Laking pasasalamat ko nga ng makaisip din iyong umuwi,” tukoy nito sa kliyente nito kanina.
“Sigurado akong gutom na gutom ka na,” lumapit siya dito at inayos ang bahagyang nagusot na polo nito. Natigilan siya at napatingin dito.
Nakatitig lang ito sa kanya, may ngiting naglalaro sa mga labi nito. Lumayo siya dito at iniiwas ang tingin. Bakit niya ba ginawa iyon? Gusto niyang pagalitan ang mga kamay dahil sa ginawa ng mga ito.
“Gusto mo na bang umuwi?” tanong nito sa medyo magaspang na tinig. “Siguradong naroroon na si Manang Luisa para ipagluto tayo.”
Marahan siyang tumango, hindi pa rin magawang tumingin dito. Sobrang lakas pa rin ng kabog ng puso niya dahil sa pagkapahiyang nararamdaman sa ginawa kanina.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt