Chapter 15.2

2.4K 23 0
                                    

PAGKABABA ni Elij ng hagdan ay agad siyang tumuloy sa kusina para maghanda ng makakain. Nagulat pa siya nang makita doon si Thaddeus.
“Tadah,” bati nito. “Naghanda ako ng breakfast para sa’yo.”
Tiningnan niya ang dalawang slice ng toasted bread at kape na naroroon. Ito lang ba ang alam nitong ihanda sa umagahan? Umiling na lang siya at naupo sa silyang naroroon. Hindi niya ito pinansin dahil inis pa rin siya sa mga ginawa nito kagabi.
Tumabi ito sa kanya. “Hindi mo ba nagustuhan?” tanong pa nito.
Hindi niya ito sinagot at nagsimula ng kumain. Ganoon din naman ang ginawa nito. Pagkatapos kumain ay dumiretso siya sa lababo para hugasan ang pinagkainan nila. Nakasunod lang ito sa kanya.
“Off ako ngayon, gusto mo bang manood ng movie sa living area?” tanong nito.
Tinapos niya ang paghuhugas ng hindi ito sinasagot. Lumabas siya ng kusina at muling umakyat sa itaas patungo sa sariling kuwarto. Laking pasasalamat niya at hindi na ito sumunod. Magpapahinga na lang muna siya kung off naman pala ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonМесто, где живут истории. Откройте их для себя