Chapter 24.1

2.6K 25 0
                                    

ISANG linggo pa lang ay muli ng bumalik si Elij sa bahay ni Thaddeus. Hindi niya alam kung bakit patuloy siyang nangungulila dito sa kabila ng pakikitungo nito sa kanya. Hindi niya makayang hindi makita ito ng kahit sandali lang.
Nang makarating siya sa bahay nito ay nakasalubong niya pa ito sa hagdan. Mukhang nagulat din ito sa pagkakita sa kanya.
“A-Aalis ka ba?” tanong niya dito. Bihis na bihis kasi ito kahit gabing-gabi na.
“Oo,” maikling tugon nito.
“P-Puwede ba akong sumama?” lakas-loob na tanong niya dito.
Nakita niya ang pagtalim ng mga mata nito. Bigla siyang napayuko. Narinig niya pa ang marahas nitong pagbuntong-hininga.
“Gusto mo talagang sumama?” tanong nito.
Nag-angat siya ng ulo at mabilis na napatango. “Ku-Kung ayos lang sa’yo,” may sumibol na pag-asa sa puso niya ng mga oras na iyon.
Nagkibit-balikat ito. “Bahala ka. Basta huwag mo akong sisisihin kapag nabagot ka.”
“Hindi mangyayari ‘yon. Sanay na akong maghintay sa’yo noon, hindi ba?”
“Kung iyan ang desisyon mo, bahala ka,” pagkasabi noon ay nauna na itong bumaba.
Masaya siyang sumunod dito. Gagawin niya ang lahat para mai-ayos ang pakikitungo nito sa kanya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now