Chapter 2.1

3.2K 60 0
                                    

MABILIS na pumasok sa loob ng mansiyon ng Hacienda Fabella si Elij para hanapin kung naroroon nga si Thaddeus Arzadon. Hindi siya imbitado sa party na ito pero nagawa niyang makapasok dahil sanay na naman siyang mag-trespassing sa iba’t ibang lugar. Mukha namang walang pakialam ang mga guests sa kanya kahit na nakasuot lamang siya ng itim na pantalon at dark-blue shirt na taliwas sa formal wear ng mga ito. Simpleng nakapusod din lang ang mahabang buhok niya. Akala siguro ng mga ito ay isa lang siya sa mga tauhan ng ibang guests dito.
Hinagilap ng mga mata niya ang hinahanap. Kahit sa mga larawan niya lang ito nakikita ay nagawa niya agad makilala ito sa dami ng taong naroroon. Itinuon niya ang paningin sa dance floor kung saan naroroon si Thaddeus Arzadon na may kasayaw na isang magandang babae.
Hindi niya napigilan ang sariling mapatitig dito ng ilang saglit. The man was drop-dead gorgeous. He was a lot better in person than in photos. He looked so hot in that black suit he was wearing. She couldn’t help but wonder how muscular his body was.
Ipinilig niya ang ulo para gisingin ang sarili. Kailan pa siya natulala dahil lamang sa isang lalaki?
Bumuntong-hininga siya at inilipat ang tingin sa babaeng kasayaw nito. Maganda ito pero halatang may gumugulo sa isipan nito. Paglipat niya uli ng tingin kay Thaddeus ay biglang lumukso ang puso niya nang makitang nakatingin din ito sa kanya.
Tumaas pa ang gilid ng mga labi nito para sa isang ngiti. Para siyang napako sa kinatatayuan ng mga oras na iyon. Gosh, the man knew how to kill anyone with just his smile.
Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi para muling ibalik ang matinong daloy ng utak. Tumalikod na siya at lumakad palabas ng mansiyon. Maglalakad-lakad na lang muna siya sa labas para makapag-pahangin.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now