Chapter 6.1

2.5K 38 0
                                    

PAGKATAPOS magbihis ni Elij ay lumabas na siya ng kuwarto niya. Ngayong araw ay pinayagan siya ni Thaddeus na bisitahin ang pamilya niya pero kailangan niya lang daw bumalik mamayang gabi. Kanina pa itong nakaalis para pumunta sa trabaho nito kaya siya na lang mag-isa ang naiwan sa bahay.
Napatigil siya sa paghakbang nang mapatapat sa pinto ng kuwarto ni Thaddeus. Posible kayang may naiwan itong mahahalagang papeles sa kuwarto nito patungkol kay Christopher Samaniego?
Nakita niya na ng personal ang Christopher na iyon noong nasa Cebu sila para hulihin si Anderson. He was a very handsome man and the way he stands showed how powerful he was.
Lumapit siya sa pinto at hinawakan ang seradura niyon. It was locked. Pagkatapos ay naalala niya ang connecting door sa loob ng kuwarto niya. Muli siyang pumasok sa loob ng kuwarto at binuksan ang connecting door. Laking pasasalamat niya nang magbukas iyon.
Iginala niya ang paningin sa buong kuwarto at nakita ang isang study table na naroroon. Malinis ang ibabaw ng mesa. Sinubukan niyang buksan ang mga drawers doon pero naka-lock iyon. Naiinis siyang napabuntong-hininga. Hindi niya inaasahan na ganito pala kaingat ang lalaking iyon. Well, ano pa bang aasahan niya? Abogado ito.
Lumabas na siya ng kuwarto at tumuloy sa pagkakaalam niyang study room ng bahay na iyon. Magbabaka-sakali siyang bukas iyon at makahanap siya ng impormasyon para mapadali na ang misyon niyang ito. Gustong-gusto niya ng magkaroon ng normal na buhay. At matutupad lang iyon kapag nagawa niya na ang ipinag-uutos ni Anthony.
Pero wala ring nangyari dahil naka-lock din ang kuwartong iyon. Sumuko na siya at nag-desisyong umalis na lang at pumunta sa pamilya. Matagal-tagal rin niyang hindi nabibisita ang mga ito. Bibili muna siya ng maipapa-salubong sa mga ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonOnde histórias criam vida. Descubra agora