Chapter 26.7

2.6K 22 0
                                    

NAPATIGIL si Elij sa pagbaba ng hagdan nang makita kung sino ang caller na tumatawag sa kanya. Nagmamadali siyang bumalik patungo sa sariling kuwarto. Mabuti na lang at kanina pang nakaalis si Thaddeus dahil may kailangan lang daw itong bilhin.
Sinagot niya ang tawag na nanggagaling kay Drake. Bumuntong-hininga muna siya. “Bakit?”
“Bakit?” sarkastikong ulit ni Drake sa tanong niya. “Anong ‘bakit’, Elij? Alam mo kung bakit ako tumawag. Dahil hanggang ngayon, wala pa ring napapala sa inyo si Anthony!”
Pinatatag niya ang sarili. “D-Drake… a-ayoko na,” lakas-loob na sabi niya. “Sa-Sabihin mo kay Anthony, ayoko na.”
“Anong sinabi mo?!” malakas na tanong nito. “Ayaw mo na? Bakit? Anong pumasok diyan sa kukote mo at sinasabi mong ayaw mo na?!”
“H-Hindi ko na kayang manloko ng tao, Drake,” napaiyak na siya. Kung hindi niya ito gagawin ngayon, walang mangyayari sa kanya. “Babayaran ko na lang si Anthony. Kakausapin ko siya. Tutal pera naman ang inutang ng ama ko, pera din dapat ang maging kabayaran noon. Kahit magkano pa ang idagdag niya, pipilitin kong magbayad. Parang awa niyo na, pakawalan niyo na ako.”
Narinig niya ang sunod-sunod na pagmumura nito sa kabilang linya. “Bakit mo sinasabi ang mga bagay na iyan, Elij?” marahas na tanong nito. “Nahulog ka na ba sa abogadong iyan?!”
“H-Hindi,” pagsisinungaling niya. “Hi-Hindi, Drake. G-Gusto ko lang talagang—”
“Huwag kang magsinungaling, Elij,” muli itong nagmura. “Sinasabi ko na nga bang mga wala kayong kuwenta!”
“Drake… please,” pagmamakaawa niya dito. “Ka-Kakausapin ko si Anthony… tatanggapin ko ang lahat ng galit niya.”
Tumawa ito ng nakakaloko. “Bahala ka,” sagot nito. “Alam mo kung paano magalit si Anthony,” iyon lang at tinapos na nito ang tawag.
Nanghihina siyang napabagsak ng upo sa sahig at napahagulhol ng iyak. Kailangan niyang manatiling matatag, kailangan niyang ipaglaban ang gusto niya at ang kasiyahan niya. Tatanggapin niya ang lahat ng galit at pagmumura ng mga ito. Gusto niyang maging masaya sa piling ng lalaking mahal niya at ito lang ang tanging paraan.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now