Chapter 22.1

2.5K 34 0
                                    

“THE accused Ricardo Domingo is guilty.”
Halos mapatalon sa tuwa si Elij sa narinig na hatol na iyon ng hurado sa kaso ng mga Domingo. Napatingin siya kay Lorna na umiiyak sa saya. Masaya siya dahil nagkaroon na naman ng katarungan ang isang babaeng walang laban sa mapang-aping asawa nito.
Wala na sa husgadong iyon si Claudio Ramirez at iba na ang tumayong abogado ni Ricardo. Pero dahil malakas ang ebidensiya ng kampo ni Thaddeus kaya hindi na nakalaban ang mga ito. The man would be convicted in jail for a lifetime.
“Walang hiya kayo!” narinig niyang sigaw ni Ricardo habang hila-hila ito ng mga pulis palabas ng korte. “Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!” dinuro pa nito si Thaddeus. “Ikaw at ng ama mo!” patuloy lang ito sa pagsigaw at pagmumura hanggang sa makalabas.
Napatingin siya kay Thaddeus na kinakamayan na si Lorna at ang mga kamag-anak nito. Ibinaling nito ang tingin sa kanya at malawak na ngumiti.
She was suddenly mesmerized by that smile. She could feel an unexpected light that glowed in her heart at that moment. Why was she like this? Tuluyan na ba talaga siyang nahulog sa lalaking ito?
Hindi! Iniiwas niya ang tingin dito. Hindi! Nagsisinungaling ang puso niya! Hindi ito maaari! Bakit? Bakit?!

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu