Chapter 15.4

2.5K 33 0
                                    

MAINGAT na umupo si Elij sa isang upuan sa loob ng isang penthouse ng isang hotel kung saan idinaraos ang party na dinaluhan nila ni Thaddeus. Pagod na pagod na siya sa kasusunod kay Thaddeus kaya naisipan niyang magpahinga muna. Kung maaari nga lang na sipain niya na ang high-heels na suot niya ngayon ay nagawa niya na. Paano kayang nagagawang maglakad ng mga babaeng nakikita niya dito suot ang ganitong klase ng footwear na parang wala lang?
Gustong-gusto niya ng umuwi ng mga oras na iyon. Kanina pa siyang bagot na bagot, hindi niya lang magawang sabihin iyon kay Thaddeus dahil mukhang marami pa itong kailangang kausapin.
Napatingin siya sa harapan nang makita ang paglapit sa kanya ni Thaddeus.
Ngumiti ito. “Let’s dance,” yaya pa nito.
Napatingin siya sa paligid. “Ako?”
“Hindi, ‘yong upuan mo,” pambabara pa nito.
Tiningnan niya ito ng masama. “Inuupuan ko kaya hindi puwede,” ganti niya. “Sa iba ka na lang makipag-sayaw, ang daming kanina pang nakatingin sa’yo,” pagtanggi niya. Kanina niya pa napapansin ang mga malalagkit na titig ng mga babaeng naroroon dito. Well, natural lang naman iyon. He really looked dashing in that white linen suit he was wearing.
“Ayoko sa kanila,” sagot pa nito at walang paalam na hinila siya patayo. Hindi na siya nakaangal nang makarating sila sa dance floor.
Hinawakan siya nito sa baywang at hinapit palapit sa katawan nito. “Masyado namang malapit, Thaddeus,” bulong niya dito at pinanlakihan ito ng mga mata. He was using this opportunity to harass her. Siguradong matatadyakan ito mamaya sa kanya.
Ngumiti lang ito.
Napabuntong-hininga na lang siya at ipinatong ang mga kamay sa balikat nito. They danced in the rhythm of a slow, sweet music.
Maya-maya ay muli itong nagsalita. “Pagod ka na ba?”
Tumingin siya dito at tumango. “These heels are killing me. Alam mo bang ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito?”
Tumawa ito. “Don’t worry, aalis na tayo maya-maya,” tinitigan nito ang buong mukha niya. “You look incredibly beautiful, by the way. The dress suits you.”
Nakasuot siya ng itim na dress na sigurado siyang hindi basta-basta ang presyo. Yumuko siya at hindi ito sinagot. Sana lang ay matakluban ng malamlam na ilaw ang pamumula ng mukha niya.
“Exactly my kind of beautiful,” dagdag nito.
Hindi pa rin niya magawang tumingin dito. Couldn’t he just stop praising her? Nabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya at nangangamba siyang baka marinig na nito iyon.
“Thaddeus,” wika ng isang tinig ng lalaki sa tabi nila.
Sabay silang napatingin ni Thaddeus sa tumawag dito at nakitang si Christopher Samaniego iyon. He was wearing a black tuxedo and he looked very much handsome in that.
Ngumiti ito sa kanila – a smile that had made women swoon around him. “Puwede ba kitang makausap?” tanong nito kay Thaddeus.
Hindi pa nakakasagot si Thaddeus ay lumayo na siya dito. She needed space from him as well. Para hindi kung saan-saan napupunta ang isipan niya.
Pagkaalis ng mga ito ay lumakad siya pabalik sa kinauupuan kanina. Subalit bago pa siya makarating doon ay naharang na siya ng isang babae.
Agad niya itong nakilala. Ito ang babaeng sumugod sa bahay ni Thaddeus noon – si Carol. Nakatingin ito ng masama sa kanya na para bang may ginawa siyang kasalanan.
“Ikaw ba ngayon ang bagong babae ni Thaddeus?” mataray na tanong sa kanya ni Carol. “Ginagamit mo ang pagiging bodyguard mo para maakit siya.”
“Hindi ko alam ang mga sinasabi mo,” mahinahong sabi niya. Kailangan niyang manatiling kalmado, hindi dapat siya magpakababa katulad nito.
“Huwag ka ng mag-deny, sigurado akong pera lang ang habol mo kay Thaddeus,” pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. “You’re a cheap woman hiding behind that expensive dress.”
Humugot siya ng malalim na hininga. “Hindi ba mas mukhang cheap ka? Naghahabol ng lalaking ayaw na sa’yo?”
“Aba’t—” mabilis nitong hinablot ang buhok niya. “Bitch!” sigaw nito habang patuloy na sinasabunutan siya.
Napahawak siya sa sariling buhok. “Ano ba, Carol? Bitiwan mo—” bago niya pa matapos ang sinasabi ay naitulak na siya nito ng malakas.
Bumagsak siya sa sahig. Nagkamali pa siya ng bagsak at napangiwi nang maramdaman ang pagka-dislocate ng buto sa kanang paa niya. Tiningnan niya ng masama ang babaeng gumawa noon pagkatapos ay iginala ang paningin sa mga taong nakapalibot na sa lugar na iyon. Gusto niya ng umiyak pero pinigilan niya lang ang sarili niya.
Napatingin siya sa tabi niya nang makita ang paglapit doon ni Thaddeus. May pag-aalala na sa mukha nito. Hinawakan nito ang braso niya. “Elij, anong—”
Tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. “Huwag mo akong hawakan,” puno ng pait na wika niya. She glared at him. Dahil ito sa’yo!
Pinilit niya ang sariling tumayo at paika-ikang nilisan ang lugar na iyon. Hindi siya dumiretso sa elevator dahil ayaw niyang may makakita sa kanya. She was a mess, alam niya iyon. Tumuloy siya sa emergency stair case. Kahit masakit ang paa niya ay pinilit niya pa ring maglakad pababa.
Dalawang palapag pa lang ang nabababa niya ay hinang-hina na siyang napaupo sa baitang ng hagdan. Tinanggal niya ang suot na high heels at galit na galit na itinapon iyon sa sahig.
Isinubsob niya ang mukha sa dalawang kamay at doon humagulhol ng pag-iyak. Porket ba mayaman ang mga ito ay nagagawa na ng mga itong magpahiya ng tao?!
Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak hanggang sa makarinig siya ng mga yabag sa likod. Lumingon siya doon at nagulat nang makita si Thaddeus. Inirapan niya lang ito. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha at nagpumilit na tumayo at magpatuloy sa pagbaba. Sumunod ito sa kanya.
Tumigil siya at galit na hinarap ito. “Bakit ka ba nandito?!”
Tiningnan siya nito, seryoso ang mukha. “Nandito ako para pagtawanan ka, hindi ko iyon nagawa kanina,” sagot nito.
Akmang susuntukin niya ito sa dibdib nang mahuli nito ang kamay niya. Pilit niya iyong binabawi pero parang wala na siyang lakas ng mga oras na iyon.
“At kargahin ka,” dugtong pa nito.
Hindi na niya nagawang sumagot nang walang paalam siya nitong pinangko.
“Ibaba mo ako,” nagpumiglas pa siya.
“Stop wriggling like a fish, Elij,” mariing utos nito. “Sa tingin mo ba mabababa mo ang twenty-six floors sa ayos mo ngayon?”
“Eh, ikaw? Balak mo akong kargahin pababa ng twenty-six floors?” ganti niya dito.
“Oo,” walang palyang sagot nito. There was nothing but pure seriousness in his face. “Kaya huwag ka ng magpumiglas,” iyon lang at nagsimula na ito sa pagbaba.
Wala na siyang nagawa at hinayaan na lang ito. She leaned her head on his chest and listened to his heartbeat. Ipinikit niya ang mga mata. Those beats were like music in her ears.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu