Chapter 9.1

2.5K 31 0
                                    

ILANG buwan na din ang dumaan simula nang malaman ni Elij ang tungkol kay Sandra pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung napatawad na ba ito ni Anthony o ano.
Pero kahit pino-problema niya ang patungkol sa bagay na iyon ay masaya naman siya dahil successful ang naging operasyon ng kapatid. Ilang linggo na itong nagre-recover na lang sa ospital.
Tinitigan niya ang natutulog na kapatid at hindi napigilan ang mapangiti. Natupad na rin ang matagal niya ng pangako sa kapatid. Sa wakas ay magiging katulad na rin ito ng ibang bata na makakapag-aral at makakapag-laro ng ayos.
Napatingin siya sa pinto ng kuwartong kinalalagakan nito nang magbukas iyon. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang si Matthew iyon, ngumiti ito nang makita siya. Agad niyang ginantihan ang ngiti nito. Matagal niya rin itong hindi nakikita.
Lumapit ito sa kama ng kapatid at inayos ang IV na nakakabit dito. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. “Maayos naman ang recovery niya sa operasyon, baka sa susunod na linggo ay puwede na siyang lumabas,” sabi nito.
Tumayo siya at lumapit dito. “Pangako, kapag nakaipon ako, babayaran ko ang lahat ng mga naitulong mo,” buong puso siyang nagpapasalamat dito sa lahat ng mga ginawa nito para sa kapatid niya.
“Wala iyon, para sa kapatid mo ang lahat ng ito,” seryosong tugon nito. “Ayoko namang pabayaan na mahirapan ang isang kawawang bata kung may magagawa naman ako.”
Tinitigan niya ito. “Napakabuti mo talagang tao,” humakbang pa siyang lalo palapit dito. “Maraming maraming salamat,” bahagya siyang tumingkayad para gawaran ng halik ang mga labi nito.
Naramdaman niya ang pagkatigil nito sa ginawa niya. Itinaas nito ang mga kamay at hinawakan siya sa mga balikat para bahagya siyang itulak palayo. Siya naman ang natigilan sa ginawa nito. Mali ba ang ginawa niya?
Bahagya itong ngumiti. “Pasensiya na, marami pa akong kailangang asikasuhin na ibang pasyente,” iyon lang at lumakad na ito palabas ng kuwarto.
Hindi niya na nagawang lingunin ito dahil sobrang sakit pa rin ang nararamdaman niya. He just rejected her, right? Iyon ang ibig sabihin ng ginawa nitong pagtulak sa kanya palayo.
Nanghihina siyang napaupo sa gilid ng kama ng kapatid. May ibang babae na ba itong gusto? Siguro nga mayroon na, kaya dapat niya ng tigilan ang kahimangan niyang baka mapansin pa siya nito. Hindi lahat ng magagandang bagay ay nakukuha ng isang tao, makuntento na lang siya sa pagpapalang ito sa kapatid niya ngayon. Hindi ba at kasiyahan ng pamilya niya ang nais niya? Hindi na dapat siya umasang may kasiyahan pa para sa sarili niyang darating balang-araw. Sapat na ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now