Chapter 17.2

2.5K 31 0
                                    

HAPON na nang makabalik si Elij sa bahay ni Thaddeus dahil ipinasyal niya muna ang mga kapatid sa isang mall. Pagkarating doon ay agad niyang hinanap si Thaddeus pero wala ito. Siguro ay nasa trabaho ito.
Tumuloy siya sa sariling kuwarto at naisipang magpahinga na muna. Napagod din siya sa kalalakad kanina. Kakahiga niya pa lang sa kama nang marinig niya ang pagtunog ng cell phone na nasa bulsa ng suot na pantalon.
Kinuha niya iyon at natigilan pa nang makita ang pangalan ni Drake. Umupo siya at nag-aalangang sinagot iyon.
Agad na bumungad sa kanya ang malakas na boses nito. “May nangyari na ba diyan sa misyon mo sa abogadong iyan, Elij?!”
Ilang ulit siyang napalunok bago sumagot. “W-Wala pa, Drake. Hindi naman kasi—”
Nagmura ito. “Anong pinaggagagawa niyo diyan? Hanggang ngayon wala pa ring importanteng impormasyon patungkol sa Christopher na iyon ang napapasakamay ni Anthony. Kayo ang pinagkatiwalaan niya dahil akala niya mapapadali niyo ang lahat. Nariyan ka na nga sa pamamahay niya, wala ka pa ring nakukuha. Parehas lang kayo niyang si Rachel Leigh, mga walang kuwenta!” muli itong nagmura. “Pasalamat kayo at mahaba ang pasensiya ni Anthony. Hindi ko nga alam kung bakit tiwalang-tiwala siya sa mga inyo, eh, wala naman kayong diskarte!”
Narinig niya ang ilang ulit nitong pagbuntong-hininga. “Gumawa kayo ng paraan para mapadali iyang ginagawa niyo,” dugtong nito. “Hindi puro kalandian ang inaatupag niyo,” pagkatapos noon ay tinapos na nito ang tawag.
Parang naubos ang lahat ng lakas niya ng mga oras na iyon. Bakit ba kailangang ganito ang maging kahinatnan ng buhay niya? Bakit kailangang siya ang magbayad ng utang ng ama niya sa mga taong ito? Hindi naman yata patas ang mundo.
Pinigilan niya ang sariling lumuha pero hindi niya magawa. Ilang minuto siyang umiyak ng umiyak sa kinauupuan pagkatapos ay marahan siyang tumayo at lumakad patungo sa connecting door ng mga kuwarto nila ni Thaddeus.
This was the only way to end her sufferings, patuloy niyang pinaaalala iyon sa sarili. Nang magbukas ang pinto ay pumasok siya sa loob at nagsimulang maghanap ng maaaring importanteng papeles patungkol kay Christopher na naiwan nito doon.
Pero katulad noong una ay naka-lock ang lahat ng drawers at cabinets na naroroon. Inabot niya ang isang black folder na nakapatong sa mesa at tiningnan ang laman niyon. Sales contract ang mga iyon pero hindi niya naman magawang maintindihan ang nilalaman niyon.
She was about to close the folder when the door suddenly opened. Her heart leapt into her throat when she saw Thaddeus. Hindi sinasadyang nabitiwan niya ang hawak na folder at naglaglagan ang mga nilalaman niyon sa sahig.
Hindi niya nagawang pulutin ang mga iyon dahil parang natuklaw siya ng ahas sa kinatatayuan nang makita ang pagtataka sa mukha nito. Nalipat ang tingin nito sa mga papel na nagkalat.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong nito at lumakad palapit sa kanya.
Alam niyang nanginginig na siya sa takot at ipinagdarasal niya na sana maglaho na lang siyang parang bula ng mga oras na iyon.
“Kanina ka pa bang nakauwi?” tanong ulit nito.
Yumuko siya at marahang tumango. Hindi niya magawang salubungin ang tingin nito. Gusto niyang tumakbo pero mas lalo lang itong maghihinala kapag ginawa niya iyon.
“Anong hinahanap mo?”
Tumingin siya dito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.
“Guess I caught someone red-handed, huh?” ngumiti ito. “Naghahanap ka ng pictures ko, ano?” napailing pa ito. “Sinasabi ko na nga bang pinagpapantasyahan mo rin ako sa gabi.”
Tiningnan niya ito ng masama pero lihim siyang napabuntong-hininga sa maling akala nito. “K-Kung makakuha ako ng picture mo, ipapanakot ko lang iyon sa daga,” pagkasabi noon ay nagmamadali na siyang lumabas ng kuwarto nito.
Narinig pa niya ang pagtawa nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng guilt ng mga oras na iyon.
He was so innocent, so kind. Pero niloloko niya ito. Hindi niya na kaya. Hindi niya na kayang gawin ang lahat ng ito. Nilalamon na siya ng konsensiya niya. Hindi niya na itutuloy ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon