Chapter 5.2

2.7K 51 0
                                    

THADDEUS’ rest house in Matutinao, Kawasan is a work of art. Nature-designed ang buong bahay na halos lahat ng naroroon ay gawa sa mga kahoy na alam niyang hindi basta-basta ang presyo. The view was very beautiful as well, malamig ang simoy ng hangin at siguradong makakapag-relax talaga sa tahimik ng buong paligid.
Napangiti siya at napalingon kay Thaddeus nang iabot nito sa kanya ang susi ng rest house. Tinanggap niya iyon. “Hindi ko alam na may ganito ka palang pag-aari,” sabi niya. “Sobrang modernized kasi ng bahay mo sa siyudad.”
Malawak itong ngumiti. “Sometimes it is nice to be close to nature lalo na at matagal ka ng nalagi sa lungsod. Relaxing, isn’t it?”
Tumango siya at tumanaw sa kalawakan ng mga punong nakapalibot sa lugar na iyon. It was indeed relaxing, makakalimutan ng isang tao ang pino-problema nito kahit sandali lang.
“Malapit lang dito ang Kawasan Falls. Nakarating ka na ba doon? It’s really cool and the water is crystal clear,” pagmamalaki pa nito. Mukhang mahal na mahal talaga nito ang lugar na ito.
She loved Cebu too. Dito siya ipinanganak at lumaki. Pero hindi niya nagawang libutin at hangaan ang kagandahan nito noon dahil sobrang abala siya sa paghahanap ng ikabubuhay niya at ng pamilya niya.
“Sigurado kang hindi ka sasama sa Bantayan?” tanong nito. “Mababait naman ang mga kaibigan ko,” lumapit ito sa kanya at tumayo sa likod niya.
Nakaramdam na naman siya ng panghihina sa pagkakalapit na iyon. “D-Dito na lang ako. Sige na, baka hinihintay ka na nila,” pagtataboy niya dito. Pinilit niyang ituon ang pansin sa view na nasa labas ng bintana.
Sa pagkagulat niya ay naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa baywang niya. Her heart thudded wildly in her chest. Sumiklab ang hindi maipaliwanag na init sa pagkatao niya nang maramdaman ang paglapat ng likod niya sa mga dibdib nito.
Hinawakan niya ang mga kamay nito at tinangkang alisin ang mga iyon sa pagkakayakap sa kanya pero napatigil siya nang magsalita ito.
“Sigurado kang hindi ka talaga sasama?” mahinang tanong nito.
Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang nagwawalang kalooban. “O-Oo,” napatingin siya sa mga kamay na nakahawak sa mga kamay nito. Bakit pakiramdam niya ay gusto niyang manatili na lang silang ganito? Hindi ito tama. Amo niya ito at may kailangan pa siyang gawin. “Thaddeus—”
“Ma-mi-miss ko ang maganda kong assistant,” bulong pa nito at marahang hinalikan ang buhok niya.
Ipinikit niya ang mga mata. Ni minsan ay hindi niya naramdaman ang ganitong klase ng kagaanan sa kalooban niya, kahit na patuloy sa pagwawala ang puso niya. She had never been this close to a man before. She had never felt so safe.
Ilang sandali silang nasa ganoong posisyon – nakayakap pa rin ito sa kanya mula sa likod at ang mga kamay niya ay nasa mga kamay nito. Gusto niyang malaman kung ano ang nararamdaman nito o kung ano ang iniisip nito. Iminulat niya ang mga mata at bahagyang lumingon dito.
Nakatitig ito sa kanya. “Puwede akong manatili dito kung gusto mo,” sabi nito.
Ibinalik niya ang matinong daloy ng isipan at kumawala sa pagkakayakap nito. Humarap siya dito at ngumiti. “Huwag na, ayokong magalit ang mga kaibigan mo kapag nawala ka doon,” pinilit niyang patatagin ang tono.
Tumango ito. “Tawagan mo ako kapag may nangyari,” paalala pa nito.
Tumango rin siya. “Tawagan mo rin ako ‘pag may nangyari. Assistant at personal bodyguard mo pa rin ako.”
Tumawa ito at nagpaalam na sa kanya. Tinanaw niya na lang ito hanggang sa makalayo ang black Subaru nito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now