Chapter 22.7

2.7K 32 0
                                    

MAAGANG nagising si Elij kinabukasan para masigurong makakasabay na siya kay Thaddeus sa pag-alis nito.
Pagkababa niya ay agad niya itong nakita na inaayos na ang necktie na suot nito. Lumapit siya dito. “Nagiging maaga na yata ang pasok mo ngayon, ah?” bati niya dito.
Nagpatuloy lang ito sa ginagawa pero hindi siya sinagot. Akmang magsasalita pa sana siya nang tumunog ang cell phone nito.
Kinuha nito iyon sa bulsa at sinagot. “Yes, Mrs. Sioux?... Kagabi?” sumulyap ito sa kanya bago nagpatuloy. “I’m really sorry for that… I’ll be there as soon as possible,” tinapos na nito ang tawag.
Humarap ito sa kanya. Nanibago siya sa tingin nito, there was pure coldness in his eyes. “Ikaw ang sumagot ng tawag para sa akin kagabi, tama ba?” tanong nito.
Bahagya siyang nakaramdam ng kaba sa tono ng pananalita nito. Marahan siyang tumango.
“Bakit hindi mo ako ginising? Sinabi mo pang wala ako!” sigaw nito.
Napuno ng takot ang buong puso niya sa pagsigaw nito. “A-Ayaw ko kasing… abalahin ang pagtulog mo,” paliwanag niya sa garalgal na tinig.
“Hindi mo ba alam na mahalaga ang tawag na iyon?!” galit na wika nito. “Wala kang karapatang sagutin ang tawag ng mga kliyente ko!”
Napayuko siya. Nangilid ang mga luha niya dahil sa galit na ipinapakita nito. He never yelled at her like this before kaya takot na takot na siya dito. “I-I-I’m sorry, Thaddeus… h-hindi ko naman sinasadya,” paghingi niya ng tawad dito.
Narinig niya ang mahinang pagmumura nito bago lumakad palayo.
Hinabol niya ito. “T-Thaddeus…”
Tumigil ito sa paglalakad at muling humarap sa kanya, punong-puno ng galit ang mga mata nito. “Dito ka lang, Elij,” marahas na utos nito. “Ayokong makita ang pagmumukha mo sa tabi ko ngayon,” iyon lang at tuluyan na itong lumabas ng bahay.
Naiwan siyang nakatulala doon. Mabilis siyang tumakbo paitaas at pumasok sa sariling kuwarto. Doon na siya tuluyang napahagulhol ng iyak. Bakit ito ganoon sa kanya? Hindi niya kayang makitang nagagalit ito sa kanya at ipinagtatabuyan siya.
Sobra-sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon sa puso niya na kahit umiyak siya ng umiyak ay hindi nababawasan ang sakit na iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now