Chapter 23.6

2.7K 32 0
                                    

“ATE,” narinig niyang tawag sa kanya ng kapatid na si Gaile na lumapit sa tabi niya. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng pinggan na pinagkainan nila.
Lumingon siya dito. “Bakit?”
“Bakit ang tagal yata ng bakasyon mo ngayon?” tanong nito.
Bumuntong-hininga siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Ayaw niyo ba akong makasama?”
“Hindi naman po,” sagot nito. “Kailan po ba ulit dadalaw dito si Kuya Thaddeus?”
Bahagya siyang natigilan sa tanong nito. “Hindi ko alam,” maikling tugon niya.
“Bakit hindi mo alam? ‘Di ba boss mo siya?” sunod-sunod na tanong nito. “Miss na miss na namin siya ni Sam. Kailan ba siya pupunta dito?”
Malakas niyang ibinagsak ang hawak na pinggan sa lababo. “Hindi ko sabi alam!” sigaw niya dito. “Bakit ba hindi kayo makaintindi?!”
Natauhan siya nang makita ang pagtakbo ni Gaile palayo habang umiiyak. Hinabol niya ito.
Umiiyak pa rin itong humarap sa kanya.
“Pasensiya ka na, Gaile,” paghingi niya ng tawad dito. “Pasensiya ka na. Pagod lang talaga si Ate,” maging siya ay napaiyak na rin.
Lumabi ito at marahang tumango. “Sorry din, Ate. Hindi na ako mangungulit,” lumapit ito sa kanya at niyakap siya.
Niyakap niya rin ito. “Magpahinga na kayo. Tama na muna ang paglalaro at panonood, ha?”
Tumango ito at tumakbo patungo sa kuwarto ng mga ito. Siya ay nagpunas na ng luha at humakbang pabalik sa kusina. Napatigil pa siya nang makita ang ina sa bukana ng kuwarto nito. Hindi niya nagawang salubungin ang tingin nito at nakayukong nagpatuloy sa paglalakad.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now