Chapter 23.5

2.6K 29 0
                                    

NAG-AALANGANG lumapit si Elij kay Thaddeus na nakaupo sa sofa habang nanonood ng palabas sa T.V. Tumikhim muna siya para makuha ang atensiyon nito. Gusto niya sanang maglakas-loob na kausapin ito at tanungin kung ano ba talaga ang nagawa niyang mali para umakto ito ng ganoon sa kanya.
Sumulyap ito sa kanya pero agad ding ibinalik ang atensiyon sa telebisyon. “Anong kailangan mo?” malamig na tanong nito.
“A-Ano kasi…” nauutal na pagsisimula niya. “G-Gusto ko sa—”
“Ah,” tumango-tango ito. “Hindi ko pa ba naibibigay ang suweldo mo ngayong buwan?” umismid ito. “Huwag kang mag-alala, ipapadala ko na lang sa account mo mamaya.”
“Hindi naman—”
“Gusto mong magbakasyon?” putol na naman nito sa kanya. “Walang problema. Ilang linggo?”
Ilang linggo? Gusto na ba talaga siya nitong palayuin dito? Kulang na lang ay tanggalin siya nito sa trabaho at iyon nga ang kinatatakutan niya.
Hindi na niya nagawang makapagsalita nang i-off na nito ang T.V. at nilisan ang lugar na iyon. Nagtatakbo siya patungo sa sariling kuwarto. Eksaktong pagsara niya ng pinto ay nagsipatakan na rin ang kanina niya pa pinipigilang luha.
Lumapit siya sa wardrobe at naglabas ng ilang damit doon. Sige, magbabakasyon na muna nga talaga siya. Baka sakaling makatulong iyon sa nagdurusang puso niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon