Chapter 26.4

2.6K 26 0
                                    

NIYAKAP ni Elij si Thaddeus mula sa likod habang pinapanood itong buksan ang pinto ng private suite nito sa loob ng Society Hotel ng mga ito.
“Marami ka na sigurong nadalang babae dito, ano?” naisipan niyang itanong dito.
Tumawa ito pero hindi siya sinagot hanggang sa makapasok sila sa loob. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. Kulay blue ang buong kuwarto dahil sa ilaw na nakalagay doon. Mayroong isang king-sized bed na nasa gitna niyon. Ang nakatawag ng pansin niya ay ang dalawang vertical aquarium na nasa bawat gilid ng kamang naroroon. Nakadikit iyon sa dingding at ang taas ay umaabot sa kisame. Asul din ang kulay ng ilaw sa loob ng aquarium na iyon.
Lumapit siya doon at pinagmasdan ang mga naggagandahang isda na naglalangoy doon.
Lumapit din doon si Thaddeus. “Oh, nalulunod ‘yong isa kong isda,” turo nito sa clown fish na naroroon. “Kunin mo, ire-revive ko.”
Tumawa siya at hinampas ito sa braso, puro talaga kalokohan ang alam nito.
Ngumiti ito at lumakad patungo sa built-in wardrobe na nasa isang side ng kuwarto. May inilabas ito doong isang paper bag bago muling bumalik sa kinatatayuan niya. “Tanda mo pa ba ‘to?” tanong nito at iniabot sa kanya ang paper bag. “Binili ko ‘yan sa’yo noon.”
Tiningnan niya ang laman ng paper bag at nanlaki ang mga mata nang makitang iyon ang mga lingerie na pinamili nito noon.
“Gusto kong makitang suot mo ‘yan, sweetheart,” dugtong pa nito. “Kahit minsan lang.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Pervert,” bulong niya, sobrang bilis ng tibok ng puso niya sa kaisipang susuotin niya nga talaga ito sa harap nito ngayon.
Tumawa ito ng malakas. “Pervert? Nakita ko na ang lahat sa’yo, Elij. Huwag ka ng mahiya.”
Pinamulahan siya ng mukha. “S-Sige na nga,” pagpayag niya. Mahi-hindian niya ba ito? Gusto niyang pasayahin ito.
Kumislap ang mga mata nito at hinila na siya patungo sa banyo. “Hihintayin kita dito,” may pagmamadali na sa tono nito.
Napailing na lang siya at pinagsarhan na ito ng pinto. Inilabas niya ang laman ng paper bag at napapikit pa siya pagkakita sa mga damit na iyon. Halos wala na rin naman siyang itatago kapag suot iyon. Bahala na, naisip niya at pumili ng isa sa mga iyon.
Pagkatapos magpalit ay pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagsuot siya ng ganitong uri ng damit, sana naman ay magustuhan nito. Inayos niya muna ang mahabang buhok bago naisipang labasin na ito.
Paglabas niya ng pinto ay naroroon pa rin ito sa kinatatayuan nito. Nakita niyang halos lumuwa na ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay nag-init ang buong katawan niya sa ginagawa nitong pagtitig sa kabuuan niya.
Yumuko siya. “Huwag mo akong titigan ng ganyan, Thaddeus,” naiilang na utos niya dito.
“Bakit hindi?” tanong nito, humakbang ito palapit sa kanya. “You’re hot so I will stare.”
Nag-angat siya ng tingin at nakita ang nag-aapoy nitong mga mata. Hindi na siya nakapag-salita nang buhatin siya nito at ilapag sa ibabaw ng kama. Pagkatapos ay bale-wala lang nitong pinunit ang suot niya. Gusto niya itong pagalitan ngunit pinatahimik na siya ng nag-aalab nitong halik.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now