MALAWAK ang pagkakangiti ni Thaddeus habang pinagmamasdan ang diyosang nakawala na naman sa kamay niya. Wow, napakaganda pala talaga ng babaeng iyon, lalo na sa malapitan. Kahit simple lang ito ay hindi noon nagawang itago ang angking kagandahan nito.
Napailing siya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klase ng matinding interes para sa isang babae. Gusto niyang malaman ang lahat-lahat dito. Damn, kahit nga pangalan nito ay hindi niya pa alam. Bakit ba napakahina niya ng pumorma ngayon? Tumatanda na ba talaga siya? Napatawa siya sa naisip.
No. Sisiguraduhin niyang magkakaroon pa ng isang pagkakataon na makadaupang palad niya ang babaeng iyon. At sa oras na mangyari iyon ay hinding-hindi niya na ito hahayaang makawala. Kahit na ano ay gagawin niya para mapalapit dito at makuha ito. Sisiguraduhin niyang tatalab ang lahat ng charms niya para sa babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...