Chapter 21.1

2.5K 31 0
                                    

INABOT ni Elij ang kamay ni Thaddeus at marahang pinisil iyon. Tumingin ito sa kanya at pinilit ang sariling ngumiti. Alam niyang nahihirapan ito, nararamdaman niya iyon.
Nasa loob sila ng lobby ng isang building na iyon kung saan gaganapin ang trial ng kaso ni Mrs. Domingo at ng asawa nito. Ngayong araw rin paniguradong makakaharap ni Thaddeus ang ama nito.
Itinaas niya ang isang kamay at marahang hinaplos ang pisngi nito. These past few days ay nawala na ang kasiyahan sa mukha nito. She missed the old him. Hindi niya gustong palaging nakikita itong malungkot at may pino-problema.
Tumitig ito sa kanya. Nginitian niya ito. Maya-maya ay lumapit na sa kanila si Mrs. Domingo kasama ang mga pulis na nakatoka sa pagbabantay dito at kay Thaddeus.
Nalipat ang tingin nila sa unahan nang marinig ang pagtawang nagmumula doon. Nakita niya ang paglapit ng dalawang lalaki sa kanila. They were both wearing format suits. Napatingin siya kay Thaddeus nang maramdaman ang pagkuyom ng kamao nitong nakahawak sa kamay niya. His body was trembling.
Muli niyang ibinalik ang paningin sa dalawang lalaki. Unang nagsalita ang lalaking tumatawa kanina, nakatingin ito kay Mrs. Domingo. “My dear wife, it’s been a long time,” ngumisi pa ito.
“Hayop ka,” pabulong na sagot dito ni Mrs. Domingo.
Nalipat ang tingin niya sa isa pang lalaki. So, ito si Claudio Ramirez. Nakatingin ito kay Thaddeus. Hindi maitatanggi na magkadugo nga silang dalawa. Thaddeus had his father’s eyes.
Ngumiti si Claudio. “Thaddeus,” panimula nito. “Hindi ko alam na ikaw ang makakaharap ko dito,” pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan ng anak. “Matagal din tayong—”
“Stop that rubbish talk, Ramirez,” puno ng poot na wika ni Thaddeus. Sumulyap ito sa kliyente ni Claudio na si Ricardo Domingo. “Ito lang ang masasabi ko, I’ll guarantee that you will lose this case,” muling baling nito sa ama. “And I’ll make sure that you and your client will do a stretch in jail.”
Tumawa si Mr. Domingo sa sinabi ni Thaddeus. “Mayabang ka talaga, Arzadon. Legal separation lang ang usapin dito, kulungan na kaagad ang pinagsasasabi mo.”
Malakas na napatawa si Thaddeus.
Tiningnan ito ng masama ni Ricardo. “Nakakatawa ba ang sinabi ko?” galit na tanong nito.
“Siyempre, kaya nga ako tumawa, hindi ba?” sagot dito ni Thaddeus.
Nakikita niya ang pagpipigil ni Ricardo Domingo na sugudin si Thaddeus. Niyaya na ito ni Claudio na pumasok sa loob ng korte. Hindi niya napalampas ang pagsulyap ni Claudio kay Thaddeus. Nagtataka siya sa pagbahid ng kalungkutan sa mukha nito. Pero bakit? Mahalaga pa rin ba dito si Thaddeus kahit na pinabayaan na nito ang anak?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now